thirty eight

150 15 17
                                    

May nakita si Riki na isang burol malapit sa highway kaya napagpasyahan nilang dalawa na tumigil muna at magpahinga .

Medyo malayo na din naman kasi ang narating nila kasi long ride nga . Kailangan niya ding i-test drive yung kakabili niyang motor . (  Alam ko . Need niya driver's license pero kunyare meron na siya lol )

" Kakapagod naman sumakay sa motor " reklamo ni Luna kahit na wala naman siyang ginawa kundi umupo at yumakap kay Riki . Tyansing din eh , palibhasa gusto din ni Riki .

" Luhh , umangkas kalang naman eh . Mas pagod ako dahil ako nag drive "

" Inutusan ba kitang isama ako ? Kung makapagsalita ka parang kasalanan ko pang ikaw nag drive "

" Di naman sa ganun .. nagsasabi lang naman ako . Parang di mo na enjoy yumakap sakin ah " biro pa ni Riki kaya sa pangatlong pagkakataon ngayong araw ay nahampas na naman siya . Ang bigat pa ng kamay ni Luna parang hindi babae . Sigurado puro sapok aabutin ni Riki kapag maging magjowa sila .

" Eh gusto mo din namang niyayakap kita eh . Huwag kang mag deny , kilala kita . Binibigyan lang kita ng chance na maramdaman yun "

" Eh ?? Parang gandang-ganda kalang sa sarili mo eh noh .. huwag ka , maraming nagkakandarapang yakapin ako , di mo lang alam " pagbibida pa niya

" Sino ? Si Ara ?"

" Yiee , selos ka kay Ara no "

Inirapan naman siya agad ni Luna . Alam naman niyang walang gusto si Riki dito kaya panatag naman siya na siya parin ang gusto nito .

" Me ? Jealous ? Ew no "

" Sige deny pa . Alam ko namang patay na patay ka sakin "

" Bakit si kuya Ethan kaba ?" Sagot ni Luna kaya napatigil si Riki . Oo nga , hindi siya si Ethan .

" Hindi pero ako si Riki . Yung future jowa mo "

" Gago ka , kay kuya Ethan ako ipinagkasundo "

" Kahit na .. di ka naman gusto nun . Kaya akin ka nalang " Natahimik naman si Luna at tinititigan lang si Riki na ngayon ay nakangiti sa kanya . Kung pwede lang ay si Riki naman talaga ang pipiliin niya . Kaso ang pamilya lang nila talaga ang sagabal .

" Sige , sabihin mo nga yan sa papa mo . " Hamon niya dito . Alam ni Luna na takot si Riki sa papa niya pero what if gagawa siya ng paraan para sila nalang dalawa ang ikasal ? O kung hindi man , kahit na iurong nalang ito kasi hindi naman niya mahal si Ethan . Isa pa , may girlfriend na si Ethan .

" Kapag ba sasabihin ko at pipilitin ko si papa na huwag kang ipakasal kay kuya , magiging akin ka ? Baka naman kaya mo lang ginagawa to kasi may iba kang gusto "

" May iba nga akong gusto "

Natigilan naman don si Riki . Mag o-overthink na naman ba siya ? Kung may iba nga , eh sino naman yun ? Imposibleng siya yun .

" Sino ? " Seryosong tanong niya dito

" Secret ! "

" Sabihin mo na kasi .. parang di kaibigan "

" Secret nga . Bakit ko sasabihin ? Tara na nga . Gabi na oh " pag aya niya kasi nagkukulimlim na

" Ang daya naman . Pero mamaya nalang tayo umuwi . Mag star gazing muna tayo " suhestyon niya

" Eh gutom na ako " sabi ni Luna kaya napaisip naman si Riki

" Pa deliver nalang tayo . Madali lang naman hanapin ang lugar nato "  sabi ni Riki kaya sumang ayon nalang si Luna . Gusto din naman kasi niyang makasama ang kababata .

Mabuti nalang ay may malapit na kainan doon kaya ilang minuto lang ay naideliver din yung pagkain na inorder ni Riki . Sakto naman na maliwanag ang buwan at may street light sa gawi nila . Pinailaw nadin niya ang motor niya para mas lalong lumiwanag .

" Thanks for today Riki " biglang banggit ni Luna .

" Di pa nga tayo nakauwi , nagpapasalamat kana ? Pano kung iwanan kita dito .. "

" Makakaya mo bang iwanan ang mahal mo dito ?" Panunukso pa niya

" Sabi ko nga , mahal , hindi " parang kinikilig pa siya habang sinasabi niya yon kaya tinawanan siya ni Luna

" Luh , mahal , para kang ewan " panunukso pa ni Luna kahit na gusto din naman niya na yon ang itawag kay Riki .

" Hoy ! Ano ba Luna . Grabe kana ha , pinapakilig mo ako . " Sabi pa ni Riki na todo ang ngiti . Kinurot naman siya ni Luna sa pisnge dahil sa gigil . Ang cute kasi ni Riki

" Ang cute mo talaga kahit gago ka minsan " sabi ni Luna kaya kumunot ang noo ni Riki

" Okay na sana eh , sinabihan mo na akong cute pero parang binawi mo na din " pagkasabi niya nun ay natawa lang si Luna . Kaya parang nainis si Riki . Pero medyo lang naman .

Kaya naisipan niya nakawan ng halik si Luna sa pisnge . Bale bayad nadin yun sa pagkurot  niya kanina sa pisnge nito .

Na estatwa naman si Luna sa pwesto niya habang hawak-hawak pa ang isang slice ng pizza .

" Bakit mo naman yon ginawa ?" Sabi niya nang matauhan siya .

" wala , gusto ko lang . " Sagot ni Riki na para bang wala siyang ginawa minutes ago .

" Nice men , nanghahalik ka kasi trip mo lang . Pagpatuloy mo lang yan " sarcasm ang pagkakasabi ni Luna pero di naman niya inexpect na gagawin talaga ni Riki . Nagulat nalang siya nang halikan siya nito sa labi . Smack lang naman pero parang kinuryente mga kalamnan niya .

" Sabi mo pagpatuloy ko kaya ayan . Hehe " pilyong sabi lang ni Riki at sinimulan nang iligpit ang pinagkainan nila . Feeling niya kasi , baka hampasin na naman siya ng dalaga .

Hindi nalang kumibo si Luna hanggang sa matapos si Riki sa pagligpit . Pati yung hinahawakan niyang pagkain ay kinuha na rin sa kanya ni Riki pero tahimik pa din ito .

" Luna , andyan kapa ba ?" Tanong niya pero wala pa rin

" Huy , mahal .. magsalita ka "

Bigla namang natauhan si Luna . Nakakatanga lang kasi yung reaction niya .

" Uwi na tayo maha- ay este Riki pala " tumango nalang si Riki pero nakangiti siyang inalalayan si Luna papunta sa motorsiklo niya .

Sinuot naman ni Riki katulad kanina ang helmet sa ulo ni Luna habang nakatingin lang ang dalaga sa mga mata niya . Kinikilabutan na si Riki sa mga ikinikilos ni Luna .

Habang pinapaandar ni Riki ang motor , naramdaman nalang niya na kusa nalang na yumayakap si Luna sa kanya . Bumilis naman agad ang tibok ng puso niya at sigurado siyang nadidinig ito ni Luna kasi nakasandal ang ulo niya sa likod nito . Hinayaan nalang siya ni Riki kasi baka mag iba na naman ang mood niya at awayin na naman siya bigla . Mas mabuti na siguro ito na tahimik lang siya .

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon