ten

159 14 4
                                    

" oy , luna ! " sigaw ni riki .. nakasunod siya ngayon kay luna , sakto lang na pagkababa niya sa kotse ni ethan ay nakita niya agad si luna .

lumingon naman ang dalaga at nakita si riki na kakagaling lang sa sasakyan ni ethan kaya napangiti siya . buo na agad ang araw niya makita niya si ethan ..

" hi kuya ! " she said and waved to him .. medyo nakaka offend lang sa part ni riki dahil siya yung bumati pero ang kuya niya ang pinansin ni luna .. mali yon .

" hi luna , please accompany riki for me .. " sabi ni ethan kaya napangiti si riki . talagang maaasahan talaga ang kuya niya sa mga ganitong bagay .

and with hesitation , she nods kahit na medyo wala siya sa mood na kausapin si riki ngayong araw kasi baka may gawin na naman siya at bigla nanaman siyang kiligin .

" okay kuya , ako na ang bahala sa kaniya . ingat ka ! " sabi nito at kumaway pa kay ethan .. medyo nagselos naman si riki ng very light pero okay lang yan kasi nakita niyang tumango lang ang kuya niya bilang tugon sa kaniya . tatawa na sana siya kaso pinigilan nalang niya . baka mag away na naman sila .

" tara riki " walang ganang sabi ni luna at nauna nang lumakad .. nakasunod lang sa kaniya si riki at pilit na sumabay sa kaniya na maglakad pero binilisan ni luna ang paglakad para hindi sila magsabay na dalawa .

" huy ! kakasabi lang ni kuya na samahan mo ko .. limot mo agad beh ? " banggit ni riki kaya napahinto siya at nilingon ito .

" oo na , kung hindi lang sinabi ni kuya , di kita sasamahan "

" ay nagka amnesia kana yata . it's just yesterday that we talked that you won't act like a stranger .. tas ngayon ganyan kana naman ? sana okay ka lang "

" oo na , wala lang ako sa mood .at huwag mo akong ine english . mamaya pa english class natin , doon mo ibuhos yang stored knowledge mo " sabat niya kay riki kay tumawa lang ng mahina ang binata

" tinatawa-tawa mo diyan ?"

"desisyon ako eh , kaya tumawa ako .. baka gusto mo ding tumawa . ang aga aga nakabusangot ka . hindi yan nakakaganda "

" maganda naman ako kahit hindi ako tumawa " pagtatanggol nito sa sarili

" oo nga , maganda ka " sabi naman ni riki . bumabanat na naman ba siya ? kasi kung oo , naapektohan na naman si luna .

hindi nalang niya ito pinansin ang nagsimula nang maglakad ulit . hindi kasi pwede eh . dapat kay ethan niya lang to maramdaman .

napangiti nalang si riki dahil nakita niyang namula si luna .. alam niyang kinilig yon , kaya umalis nalang bigla . sinundan na lamang niya ito at hindi na kinausap pa hanggang makarating sila sa classroom nila .

" wow , finally luna .. nagiging mabait kana kay riki " sabi ni kian sa kaniya . hindi nalang niya ito pinansin at naupo nalang sa upuan niya .

" huy riki , okay lang ba yun ? parang sinusumpong na naman ah " tanong ni kian nang makaupo na si riki sa tabi niya

" ganiyan naman yan lagi ah ? di kapa nasanay ?" tugon ni riki

" kung sabagay , tama ka naman  .. "

bigla namang sinipa ni luna ang upuan ni riki .. mahina lang naman pero ramdam parin niya ito kaya napalingon siya .

" kung pag uusapan niyo ako , please lang .. doon kayo sa malayo . yung hindi ko maririnig . " sambit ni luna na para bang naiirita

" luh , nagme-menopause kana ba at grabe yung mood swings mo ngayon ? kalma kalang ganda .. mamaya kana lang ulit mag sinuplada , nandiyan na yung teacher " sabi ni riki at bigla namang iniluwa ng pinto ang teacher nila para sa unang subject  .

natahimik na lamang si luna pero sina riki at kian ay nagtatawan pa sa harap .. nag fist bump pa silang dalawa na kunware at may na achieve silang goal ngayong araw . mga weirdo talaga .





-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon