forty three

219 16 27
                                    

Halos isang buong linggo nang hindi gaanong pinapansin ni Riki si Luna . Kahit sa school ay bihira nalang itong magsalita . Naapektohan siya masyado sa ibinalita ni Luna sa kanya .

Hindi parin kasi nasabi ni Luna sa kanya na siya ang tinutukoy niyang pakakasalan niya . Balak kasing isurprise ni Luna ang kababata . Pero sa sitwasyon ngayon , parang mahirap gawin yung plano niya . Napaka wrong timing kasi eh , bakas sa mukha ni Riki ang galit at lungkot . Baka kung ano ang maging resulta kapag pinagpatuloy pa niya ang paglilihim sa kanya .

Both families agreed sa plan ni Luna na huwag munang sabihin kay Riki ang lahat . Kasi gusto niya na sa kanya mismo manggaling yon . Kahit si Ethan ay kasabwat din nila . Medyo naaawa nga lang siya sa kapatid niya na nakabusangot halos araw araw .

" Kuya , you should help me set up my surprise for him . Hindi ko kayang gawin yon na ako lang mag isa " sabi ni Luna kay Ethan .. nasa bahay sila nina Ethan ngayon dahil wala si Riki .

" Okay , so when tayo magsa-start ? At saan ? " Tanong niya sa dalaga bago akbayan ang girlfriend niyang si Eloise .

" Bukas nalang kuya . Balita ko kasi magro-road trip sina Riki at mga kaklase kong lalaki bukas . So may time pa tayo sa pag aayos . Simple lang naman ang gagawin natin para hindi tayo gaanong mahirapan "

" Sige balik ka nalang dito bukas . Sure kang aalis siya ah ? Baka mamaya mahuli tayo . " Ayaw niya lang kasing mahuli na gumagawa ng surprise . Di maganda sa feeling yung ikaw pa yung nasurprise kasi nahuli kayo .

Habang nag uusap sila ay bigla nalang dumating si Riki bitbit ang helmet niya . Mukhang pagod ito base sa mukha niya pero nakuha pa niya ngumiti nang magtama ang mata nila ni Luna . Pero yung ngiti niya , malungkot .

" Hi Riki !" Pagbati ni Luna sa kanya kaya lumapit ang binata . Ayaw naman niyang magmukhang bastos kaya lumapit na lang siya .

" Riki , hatid mo muna si Luna . Pagabi narin naman kasi . " Utos ni Ethan sa kanya . Tumango naman si Riki at tiningnan si Luna .

Alam na ni Luna na gusto ni Ethan na magkalapit muli sila ni Riki . Medyo distant kasi si Riki these days and it's not normal . Kaya kahit papano ay gagawa talaga si Ethan ng paraan para magkaayos silang dalawa .

" Tara ?" Sabi lang ni Riki bago ilahad ang kamay niya . Parang normal na sa kanya na everytime na inaaya niya si Luna ay inaabot nito ang kamay niya na tinatanggap naman agad ng dalaga . Kaya parang wala sa sariling inilahad niya ang kamay niya . Nabigla nalang sa sa ginawa niya kasi ilang days na din na di sila gaanong nag uusap . Medyo awkward sila pero they still have the same feelings .

" Sige kuya .. see you next time . Ikaw din Eloise .. take care " sabi lang niya bago sila maglakad palabas .

Riki was still holding her hand habang papalabas papunta sa garahe nila . Luna held his hand tight at naramdaman iyon ng binata . Hindi naman niya mapigilan na mapangiti pero pilit parin niyang tinatago yon . Ma pride din kasi si Riki.

Nang makarating sila sa garahe ay kusang bumitaw si Riki para kunin ang spare helmet na naka design para lang kay Luna . Pina costumize niya talaga yon ayon sa gusto ng dalaga . Isinuot niya ito kay Luna habang nakatingin sa mga mata niya .

They stared at each other's eyes pero naunang bumawi ng tingin si Riki . Kaya hinayaan nalang ni Luna . Alam niyang nahihirapan ngayon si Riki.

Pinaandar naman agad ni Riki ang motor niya bago nagsuot ng helmet niya . Kusa nading umangkas si Luna at gaya ng dati , nakayakap siya sa beywang ni Riki .

Ang lakas ng kabog ng dibdib nilang pareho pero hindi nalang nila iyon pinansin . Nagpatuloy nalang si Riki sa pagmamaneho, tahimik lang sila hanggang sa makarating sila sa bahay ni Luna .

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon