twenty

118 16 6
                                    

Riki.

nakita ko si luna na nakatayo lang sa gilid ng bahay nila at nakatingin kina kuya ethan at sa babaeng kasama nito .

wala sa sariling pinunasan niya ang pisngi niya habang pinagmasdan ang dalawa na nakatalikod sa kanya .

hinahalikan ngayon ni kuya yung babaeng kasama niya at kahit na ako ay medyo nainis dahil dun . hindi ko kasi alam na may jowa na pala siya . pero alam kong mas masakit to ngayon para kay luna .

bigla namang humarap si luna sa akin , at nagulat kaming pareho . hindi niya alam na sinundan ko siya , at ako naman nagulat dahil .. wala , basta nagulat lang ako .

"luna .. " mahina kong banggit sa pangalan niya . inaasahan kong magagalit siya o mag wa-walk out kasi ganyan naman siya lagi pero nagulat ako nang bigla nalang siyang lumapit sakin at niyakap ako .

if ordinary days lang to , kikiligin sana ako pero parang hindi ito yung right time para dun . ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya sa bawat paghikbi niya . hinahayaan ko lang siya na umiyak para mailabas niya ang lahat ng hinanakit niya . buti nalang at kumakain ngayon ang mga guests kaya walang naghanap sakin , lalo na kay luna .

hindi rin marinig nina kuya ethan ang pag iyak ni luna kasi mahina lang naman ito tsaka malakas ang music na tumutugtog mula sa garden area .

" riki .. ang sakit pala no ?" sabi lang niya at hinihimas ko lang ang likod niya .. I hummed in response kasi wala naman akong masabi sa kanya ngayon .

" ayoko sa pakiramdam na to . galit ako , nagseselos ako . pero alam kong wala akong karapatan " pagpatuloy pa niya

" alam mo naman siguro ang nararamdaman ko ?alam kong alam mo din yon " naguluhan naman ako sa sinabi niya .. pinagsasabi nito ?

" huh ? " tanging nasagot ko lang at napabitaw naman siya sa pagkakayakap .. siguro ay natapos narin siya sa pag iyak .

" diba gusto mo ko , pero si kuya ethan naman yung gusto ko "

" ha ? " tangina lang talaga .. bakit niya alam yon ?

" hatdog .. alam ko na yun riki , matagal na "

natulala nalang ako , di ito dapat ang paraan ng pag amin ko eh .. parang mapapaamin ako ng wala sa oras nito .

" luh , imbento ka .. saan mo naman yan nalaman ? I want a credible source . fake news yang nasagap mong balita " sabi ko nalang dahil hindi dapat sa ganitong paraan ako mag co-confess pero ito narin siguro yung time , total alam na naman niya .

" wag ako riki , obvious ka kaya tsaka ibinuking kana ni Kian sakin " humanda lang talaga si Kian mamaya sakin .. magsasalita na sana ako nang mauna siyang magsalita 

" so .. I want to make a deal with  you "

" deal ? "

" yes ! I want to make ethan jealous of us , so he'll see my worth .. na ako dapat ang mahalin niya at hindi yung babaeng yon !" kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya . so gagamitin niya ako , ganon ? ano siya gold ?

" ayoko nga , ano ka gold ? atsaka parang dehado naman yata ako dyan .. "

" we have to act sweet towards each other when Ethan's there so you'll have the advantage to be with me and do sweet things with me . isn't it a win-win situation ?" sabi niya lang pero parang nakakatanga lang .. gagamitin niya ko para pagselosin si kuya na wala naman talagang pake sa kanya tas ako naman maiiwang luhaan sa huli . diba ang tanga lang ng idea ?? kahit pa sabihin niyang magkakaron kami ng bebe time if nadyan si kuya pero fake din naman yun kaya napaka nonsense talaga .

" ewan ko sa'yo luna .. at ayaw ko sa idea na yan . wala naman akong makukuha dyan " pagtanggi ko , hindi naman ako ganoon karupok para sumunod nalang sa trip niyang gawin .

hinawakan niya naman ang mga kamay ko at naramdaman kong uminit yung pisngi ko , malamang ay namumula na ako ngayon .

" please riki .. just a month , if wala talagang effect , titigilan na natin agad " sabi pa niya at may pa pout pa ng labi niya . oo , cute siya pero hindi parin ako kumbinsido .

" sige na .. gusto mo pa bang ikiss kita para pumayag kalang ?" niyuyogyog pa niya yung braso ko pero ako ay hindi makapaniwala sa sinabi niya . does she really have to go this far para lang maging successful yung plano niya ?

lumayo naman ako sa kanya nang makita kong inaabot na niya ang pisngi ko para halikan . hindi talaga siya nagbibiro .. pero ayokong mag take advantage sa kanya . alam kong ginagawa niya lang to para pumayag ako and I kinda feel it's wrong .

" oo na , payag na ako .. pwede ka nang lumayo " sabi ko at napatalon siya habang hawak-hawak ang ibabang parte ng gown niya dahil mabigat ito

" aayaw kapa , papayag ka din naman pala "

okay riki , kailangan mong panindigan tong desisyon mo ngayon ..


-ˋˏ✄┈┈┈┈

hi mga fans !  😂 namiss niyo ba ako ? hindi ? okay .. alam ko namang di niyo ko lab . charot pero update ko lang na buhay pa ako , kumpleto na rin sa bakuna at itutuloy ko pa tong book na 'to kasi sayang naman kapag hindi HAHAHA .. medyo busy lang talaga ako lately , busy sa tiktok 😆 pero ayun nga , mag uupdate na ako starting today at sisikapin kong makapag update na every week .. will try lang naman kasi baka atakihin na naman ako ng writer's block at di naman ako makapagsulat .
so yun lang naman .. salamat if nagbabasa parin kayo nitong book na 'to . BASAHIN NYO TO , DESISYON AKO !

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Where stories live. Discover now