twenty six

101 12 5
                                    

Riki.

ang gaan ng pakiramdam ko matapos kong sabihin yon kay luna . pero kung tutuusin , marami pa sana akong gustong sabihin kaso hindi ko nalang tinuloy . may kasalanan din naman kasi ako . if di ako pumayag , di naman ako masasaktan .

ngayon , medyo cleared na yung mind ko dahil di ko na iniisip yung tungkol samin ni luna . nakaka stress din kasi . halos gabi gabi ko nalang iniisip kung paano ako kakalas sa kanya . medyo nakakasakal din kasi .. ang gusto niya lang kasi lagi ang nasusunod .

ang sarap palang maging free ulit . charot , feeling mo naman naging kayo talaga , eh hindi naman .. minsan napaka assuming mo talaga self . kaya lagi kang nasasaktan eh . hayss ..
nagiging third person na minsan yung pov ko . hay nako ..

bukas .. aalis na ako , siguro mas mabuting nang umalis ako para malibang ko naman ang sarili ko doon . para lang akong nakipag break kay luna kahit di naman kami kaya dapat akong mag move on dun sa Japan .

grabe sa loob ng three weeks na lagi kong kasama si luna , doon ko lang na realize na ang tanga ko pala .. sana naisip ko na yon noon palang . hindi ko na sana sinayang yung mga taong nagkagusto ako sa kanya .

I'll just make use of this vacation para makalimutan si luna .. maybe I'll just focus on my training doon sa Japan total para din naman sakin to . para pagbalik ko , bagong riki na ang makikita nila . yiee , naeexcite akong isipin yon .

---

kakababa ko lang sa eroplano at sinalubong na agad ako ng company car namin  . mas mabuti na rin to para iwas commute ako dito ..

na miss ko ang simoy ng hangin dito sa Japan . siguradong maeenjoy ko ang bakasyon ko dito .

" saan tayo boss , diretso ba sa bahay ninyo o sa opisina na ?" tanong sa akin ng driver  .. kilala ko to si manong eh . matagal na siyang driver namin kaya close kaming dalawa .

" gala po muna tayo .. ililibre kita " sagot ko naman sa kanya . after all , deserve naman niyang ilibre . alam kong masipag siya eh .

" hala , nakakahiya naman po sa inyo boss . baka pagalitan ako ni sir kapag nalaman niya ito "

" hindi yan . huwag nalang natin ipaalam .. may pasok paba si ara ngayon ? isama natin siya . miss ko na yung babaeng yun "

" bakasyon na nila boss . tatawagan ko para sabihan siya " sabi naman ni manong

" huwag na po , isurprise nalang po natin siya .. daan tayo sa bahay ninyo " suggestion ko sa kanya at napangiti siya .

si ara lang yung kaibigan kong masasabing kong totoo sakin . kasi halos lahat nung iba eh peke.. kinaibigan lang ako dahil may pera kami .  kaya kahit na iwanan ako ng lahat , alam kong mananatili parin si ara .

dumaan kami sa bahay nila ara .. ganun padin naman bahay nila , walang pinagbago . kahit hindi gaanong malaki eh mararamdaman mo namang napaka warm and welcoming nito .

" tao po , delivery po " sabi ko naman .. mahilig tong mag online shopping eh .

biglang namang may padabog na lumapit sa may gate para buksan ito .

" wala akong matandaang inorder- hala gago , riki ?" pasigaw niyang sabi nang makita ako .

natawa naman ako sa itsura niya . gulo-gulo pa buhok niya pero nakatali naman ito paitaas , naka oversized t-shirt siya tsaka sweat pants . typical na ara talaga .. dugyutin .

I opened my arms to welcome her into a hug pero nagulat ako nang tumalon siya sakin .. tangina wala akong nagawa kundi buhatin nalang siya kahit medyo mabigat .

" grabe ,miss mo na ako nyan ?" I teased her .. kahit na alam kong namiss niya talaga ako . di na ako nakaka contact sa kanya ng madalas eh .

hinampas naman niya ako sa likod , masakit , oo pero ganun talaga siya . sanay na ako .

" ayan , damhin mo kung gaano kita ka miss na walang hiya ka . bakit hindi ka nagcha-chat man lang . nakakatampo ka naman " sabi niya habang patuloy sa pagyakap sakin .. parang sinasakal na niya ako eh

" teka lang , papatayin mo ba ako ? kumalma ka , busy lang ako hehe pero ambigat mo  " sagot ko sa kanya at inamoy siya . ang bango niya kasi .. itsura niya lang pala yung dugyutin

unti unti naman siyang kumalas mula sakin kaya nakahinga ako ng maluwag

" oo na , ikaw na busy pero di ako mabigat noh "

" sige , kunyare naniniwala ako eh kaka-karga ko lang sayo "

tumikhim naman ang papa niya .. ay nandyan pala siya .

" anak , magbihis ka . lalabas tayo " sabi nito kaya patalon talon na pumasok sa loob si ara . alam na niya na kaming tatlo ang gagala . ganyan siya ka advance mag isip . kaya nga madali kaming naging close eh , we have the same brain cells .


-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon