twenty nine

104 13 2
                                    

Riki.

" hayss , grabe nalowbat ako kaka games .. apakaboring pa naman kapag di ko malaro yung phone ko " pagrereklamo ko .. ako din naman ang may kasalanan bakit yun nalowbat .. patay talaga eh , 0% . nalimutan kong icharge kagabi .

hinayaan ko nalang na mag charge kasi maaga pa naman at may time pa para mapuno yung battery nito . mamaya pa naman ako pupunta ng opisina .

nag ayos nalang ako ng sarili ko at nag almusal na din . this is my first day of training at kailangan na maaga ako tsaka maging seryoso . ayoko namang ma disappoint si dad sakin .

(time skip kasi wala akong maisip)

natapos na ang araw ko at ngayon ay makakapaglaro na akong ng mobile games sa phone ko .. wala namang nag text o tumawag man lang sakin . siguro ay nakalimutan na nila ako .. hayss , minsan naiisip ko nalang na ampon lang ako sa pamilya namin .

kahit si luna ay hindi na din nagpaparamdam sakin .. okay lang yan , di naman siya multo para magparamdam .

pero seryoso , okay na din yun .. para maka move on na ako sa kanya kaso nakakatampo pa rin . yung last na pag uusap namin eh hindi maganda kaya bakit ako mag eexpect na tatawag siya sakin diba ?? atsaka di naman niya alam na umalis ako .

iniisip ko pa din siya kahit na sabihin kong gusto kong mag move on . wala eh , marupok ako .. gusto ko parin siya .hindi naman kasi yun basta basta na mawawala ..

but thinking about her , head over heels for my brother , nakakapanghina ng loob . yung feeling ba na , gustong gusto mo siya pero siya may gustong iba . hindi ko talaga mawari bakit napaka martyr ko .. pero susubukan kong kalimutan siya habang nandito ako . baka sakaling gumana , kasi hindi naman talaga kami ang nakatadhana . para siya kay kuya , silang dalawa yung end game .tas ako pa malamang magiging best man sa kasal nila .

" riki ! " dinig kong may tumatawag sa pangalan ko kaya napalingon ako

nakita ko si ara na nakangiti at papunta sakin .. bakit ba to nandito eh ang layo ng bahay nila samin .

" bakit ka nandito , babae ?" tanong ko sa kanya .. pagod ako at gusto kong maglaro .. estorbo lang siya .

" bakit , bawal na bang pumunta dito ? porket mayaman ka eh gaganyanin mo lang ako ? para kang others " sagot naman niya .. di ba niya nakikitang pagod ako?

" heh ! sabihin mo makikikain ka lang .. pumunta ka dun sa kusina at sabihan mo yung kasambahay na ipaghanda ka ng pagkain .. maglalaro ako , wag kang magulo " sabi ko sa kanya pero inirapan niya lang ako .. siya pa may ganang mag ganyan .

hindi ko nalang siya pinansin at patuloy nalang sa pag pindot ng cellphone ko .. larong laro na kasi ako .

bigla nalang niyang hinablot ang phone ko kaya napakunot ang noo ko .. puta lang kasi magsa-start na yung game . kaya tiningnan ko siya ng masama .

" bakit ba ?! kitang naglalaro yung tao "

" eh di ka namamansin tas ang suplado mo pa . mas importante paba to sakin ?" luhh , jowa ko ba siya? char .. pero mas importante yung game sa ngayon , kahit kaibigan kopa siya

" ewan ko sayo .. balik mo yang phone ko o papalayasin kita dito ?" naiirita na ako sa kanya kasi ang kulit .

hinagis naman niya ito sa sofa at padabog na tumungo sa kusina .. kita mo , parang bahay niya lang .

minsan talaga dapat sinasabi natin sa mga kaibigan natin kung saan sila dapat lumugar lalo na kapag sa sarili mong bahay kasi nahahalata ko kay ara na feel at home talaga siya dito .. kahit na kapatid ang turing ko sa kanya ay hindi ko parin maiwasang mainis sa kanya lalo na kapag nagiging makulit siya . para akong may kasamang bata dito .

hayy , namiss ko tuloy si luna .. parang bata din kasi yun ..

nagpatuloy nalang ako sa paglaro na nakangiti habang iniisip si luna . wala talagang chance na maka move on kasi lagi ko din naman siyang iniisip .

-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon