Kabanata 3

357 36 7
                                    

Jamie POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie POV

Kinabukasan!

Papasok na ako sa university, nang makita ko sa harap ng gate yung lalake kumausap sakin kahapon sa court, Cid nga yung name nya?

Nakasandal pa sya sa isang kotse, ilan taon na ba sya at may sarili na siyang kotse! Grabe ang yaman talaga nila.

I will walk right pass him sana ng bigla nya ulit akong hawakan.

Ano ba itong taong ito, hawak naman ng hawak! Kinuha ko agad yung kamay ko then tsaka ko sya hinarap.

"Ano ba kahapon ka pa, nananadya ka ba!"

Medyo galit kong sabi sa kanya. Medyo napalakas ata yung boses ko kasi napansin kong nakakaagaw na ata kami ng pansin sa mga taong nasa paligid namin!

Tinaas nya yung dalawa nyang kamay as his sign of defeat to me. Weird talaga ng taong ito!

Ano ba tingin nya sakin?

"Sorry! Sorry naman! Nilagpasan mo kasi ako ehh, kakausapin pa sana kita!"

"Di pa ba halata Kuya! Ayoko kitang makausap! Mahirap ba magnets yun? Kung para lang yan iniisin ulit ako wag nalang please! please lang sobrang purga na ako sa kaibigan mo, wag na wag ka nang sumali!"

Aalis na sana ko kaya lang hinarangan nya yung dadaanan ko kaya no choice ako kung hindi makipag usap ulit sa kanya.

"Ano ba?" Hindi ko maiwasang hindi sya masigawan.

"Hindi naman kita gustong inisin ehh, gusto lang talaga kitang makilala. Ikaw lang itong laging galit sakin kahit wala naman akong ginagawa sayo!"

"Ahh ganun, so kasalanan ko pa? Ganun? Ako pa sinisi mo? Argh! Nakakairita na ah!"

Napansin siguro nya na sobra inis na ko kaya nagbago yung mukha nya. Yung mukhang maamo at sincere. Umiwas sya ng tingin at huminga ng malalim before humarap ulit sakin.

Infairness, ang gwapo nya! Ay wait! Mali Mali! Bakit ba ko nagwagwapuhan sa kanya! Galit nga ako di ba! Pangit pala nya! Yes! Pangit sya!

"I'm sorry okay! If I did something to offend you, yesterday! Gusto lang talaga kitang makilala. Can we start again? Can you forget what happened kahapon or nung first day? Yun ata ang naging impression mo sakin ehh. Again, I'm Cid, Cedric Alonzo talaga name ko but I prefer to be called Cid. Gusto ko sana makipagkaibigan sayo yun if okay lang naman sayo?"

Sabay abot pa ng kamay na parang makipagkamay

Makulit sya ahh!

"Kaibigan? At bakit? Bakit gusto mo kong maging magkaibigan?" Tanong ko sa kanya. Malay ko ba if totoong gusto lang akong maging kaibigan ng tao na to! Baka mamaya iaalay nya lang ako sa damuhong niyang kaibigan na si Andy!

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon