Kabanata 50

155 24 3
                                    

Jamie POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie POV

Nagwawalis ako sa labas ng bahay ng bigla akong makaramdam ng para akong nasusuka Agad agad akong pumunta sa banyo para sumuka.

Grabe, bakit kaya? Wala naman akong nakain na iba, tapos paglabas ko nang banyo bigla nalang ako nakaramdam ng parang nahihilo sakto naman pumasok ni mama sa bahay.

'Ma!' Tawag ko sa kanya na sobrang may panghihina dahil sa nahihilo na talaga ako.

'Anak, ayos ka lang?' Tanong sakin ni mama, ngunit hindi ko na nasagot yung tanong nya kasi bigla nalang nandilim yung paningin ko at hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari.

Pag gising ko andito na ko sa health center ng barangay namin, nakahiga sa kama habang si mama naman mukhang kinakabahan na kanina pang ikot ng ikot sa gilid ko.

'Ma?' Tawag ko sa kanya, agad syang tumugil sa paglalakad at hinarap ako.

'Anak buti naman gising kana, sandali lang anak ahh! Iniitay lang natin yung sasabihin ng doctor' sabi ni mama sakin.

Kaya tumango nalang ako then bumalik sa pagkakahiga, medyo nahihilo parin ako. Maya-maya dumating na rin yung doctor at sinabi sakin yung isang bagay na sobrang ikinagimbal ng buong pagkatao ko.

'Misis, ilan taon na po yung anak nyo?' Tanong nung doctor kay Mama.

'16 po doc bakit po?' tugon ni mama na may halong pagtataka.

'Misis, kasi po, (mukhang nagaalangan pa yung doctor) Uhm, hindi ko po alam if good news po itong sasabihin ko or hindi, pero buntis po kasi yung anak nyo. Hindi ko maiwasan magtaka kung bakit nagkaganoon sapagkat siya ay isang lalaki pero base po sa resulta ng blood test ng anak ninyo ay iyon po yung dahilan ng bigla nyang pagsusuka at pagkahimatay! Mag 4 buwan na pong buntis yung anak nyo and sa nakikita po namin medyo mahina po ang kapit ng bata so dapat po maging doble ingat tayo para hindi mapahamak silang dalawa.' paliwanag nung doctor.

Actually, may iba pa syang sinasabi pero hindi ko na mainitindihan ehh! Sobrang natutulala nalang ako. Hindi ko alam kung anong iisipin ko! Nakatutulala lang ako habang nakikita kong nagsasalita si mama at yung doctor.

Ano?

Ako?

Buntis?

Ako?

Buntis?

Paano mangyayari iyon? Lalaki ako! Yes, may puso akong babae pero isa parin akong lalaki. Paano mabubuntis ang isang tulad ko na lalaki! At kung totoo nang buntis ako alam ko na kung sino ang ama! Walang namang iba kundi yung lalaking bumababoy at sumira ng pagkatao ko!

Si John!

Walang hiya ka John! Sinira mo na nga ang buhay ko iniwan mo pako ng souvenir? Walang hiya ka!

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon