Kabanata 6

265 37 10
                                    

Jamie Pov

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie Pov

Patuloy lang ako sa pagtakbo ng bigla pang umulan. Pati ata langit nakikiiyak sakin. Hindi ko na nakayanan yung sobrang sakit at pagiyak kaya huminto ako sa pagtakbo. Dito ko nakita na nasa gilid na pala ako ng field.

Wala na kong pakialam if mukha kong tangang iyak ng iyak at basang basa sisiw dito dahil sa sobrang lakas ng ulan. Buti nalang walang masyadong tao dito ngayon kung hindi, sigurado paguusapan nanaman ako ng marami.

Sobrang sakit kasi ng mga sinabi si Andy sakin! Akala ko immune na ko, kasi dati pa naman ganito na. Sanay na dapat ko! Akala ko tanggap ko na ang lahat ng pwedeng masabi sakin ng iba  pero bakit ganun! Bakit napakasakit parin para sa akin. Iba pa rin pala pag harap harapang sinabi sayo yung mga kakulangan mo.

Sobrang sakit!

Kasalanan ko ba na mahirap ako.

Maya maya, nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sakin mula sa likod ko. Wala na akong lakas para magpumiglas sa hawak nya kaya hinayaan ko nalang sya. I just continued to cry!  After ng ilang segudo hinarap nya ako sa kanya.

I'm still crying, but I still manage to lift my head para tingnan kung sino yung biglang yumakap sakin. Pagtingin ko si Cid pala! Nagkatinginan lang kami for a good 3 seconds then binalik nya ko ulit sa bisig nya. Nagulat nga ako at gusto ko syang tanungin kung bakit nya ito ginagawa sakin. Hindi ba dapat ay kasama sya nila Andy na pinagtritripan ako. Dapat kasama sya sa mga tumatawa at nangungutya din sakin.

Pero bakit nya ito ginagawa sakin! Bakit nya ko niyayakap?

Magkayakap pa rin kami ng makailang minuto. Ewan ko pero I feel so comfortable with his arms. Parang safe ako sa yakap nya, kaya ewan ko ba. Nagawa kong umiyak at ilabas lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.

Iyak lang ako ng iyak! Sya naman patuloy lang sa paghagod sa likod ko at patuloy na pagbibigkas ng mga salitang eto.

"I'm here, Jamie! Andito lang ako para damayan ka! Umiyak ka lang! Ilabas mo lahat ng sakit sakin kasi kaya kong tanggapin ito mula sayo. Ipasa mo sakin lahat ng sakit! You can even hurt me, if you want to! I'm always here! I'm here, Jamie! Always!"

Then after he said that, wala na ulit nagsalita samin for how many minutes. Naparang sa bawat hagod nya sa likod ko, sapat na yun to comfort me and he's like telling me that everything is going to be okay.

That I shouldn't be afraid anymore. Patuloy lang kaming ganoon hanggang sa kumalma ko. Okay na sana ko, kaya Lang may biglang past memories na bumalik sakin.

Mga alaalang ayoko ko nang balikan kahit kailan!

Mga alalang sobrang nagpabago at sumira sa buhay ko!

Mga alaalang naging dahilan para mawala sakin yung isang taong dapat pinakamahalaga sa buhay ko.

Sa sobrang sakit nung memories na yun, kaya ako na mismo ang bumitaw sa pagkakayakap ni Cid. Medyo napalakas nga yung tulak ko sa kanya kaya sobrang nagulat sya sa actions ko.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon