Kabanata 25

169 25 2
                                    

Jamie POV

*February Valentines*

Syempre di magpapahuli si Cid. Kung titingnan kami ng ibang tao, aakalain talagang kami na. Kung mag effort si Cid, sobrang OA talaga minsan.


That day kasi sobrang daming tao sa restaurant kaya inabot kami ng 11 pm nanggabi. Akala ko nga noon wala na syang magiging balak, sabagay sabi ko naman kasi wag na kasi no choice talaga ako, need kong mag duty.


Nagulat nga ako kasi umuoo agad yung loko, medyo nagtampo tuloy ako. Yes, nagtampo ako! Paano ba naman kasi aminin naman natin kahit na sinong taong nililigawan tulad ko, mageexpect ng kahit na ano sa lalaking nanliligaw sa kanya. Kaya medyo na disappoint ako nung pumayag syang wag na kaming mag celebrate!



Gulo ko din minsan talaga tumatanggi ako pag meron then nadisappoint ako if wala! Gulay nalilito na ko sa sarili kong pagiisip!


Akala ko talaga wala na pero nagulat ako paglabas ko galing sa store. Naka abang sakin yung driver nya tapos dinala nya ko sa isang place. Pinapasok naman ako ng parang guard then hinatid nya ko sa parang isang malaking garden. Pagpasok ko, in a snap, nagliwanag yung buong lugar.


May naririnig din akong background music. habang pinagmamasdan ko yung buong lugar.


(Note: Please play the background music para mas feel nyo)


Omg! Sobrang ganda ng place na ito! As in! Tapos yung daaanan ko puro rose petals bukod sa iba't ibang uri ng bulaklak na nandito sa garden nakatanim.



Grabe sobrang ganda! Tapos sa dinadaan ko din, may mga nakasabit na pictures ko and picture namin dalawa pero karamihan ako lang. Halatang mga stolen pictures kasi lahat di ako nakatingin sa mga kuha.


Grabe ang gaganda ng kuha! Ngayon ko lang nakita yung sarili ko na ganyan ngumiti. Kung hindi ko lang alam na ako yung nasa piicture, sasabihin kong napakasaya ng tao na yan.


Mukha talaga akong masaya, alam nyo yung sayang genuine! Actually, totoo naman! Masaya talaga ako ngayon, lalo na simula nung nakilala ko sya.


Nagagawa ko na ulit ngumiti ng walang halong biro! Patuloy lang ako sa paglalakad. Yung iba mga letters or quotes not sure.


Sya ba nagsulat ng mga ito?


Mga Handwritten kasi! Grabe kinaya nya ito ang dami ahh.

"Sana hindi na lang kita nakilala. E di sana hindi ako nagkaka-ganito. Sana wala na kong iniisip pa. Ano ba yan? Puro sana! Ano pa bang magagawa ko e mahal na kita?"

* * * * *

"Minsan may nagtanong sa akin, paano daw kaya kapag nawala ka? Napa-isip ako, naluha. Natakot ako bigla. Tapos sabi niya, "Wag mo nang sagutin, sa mata mo pa lang halata na. Di mo talaga kaya. -- Totoo naman love. I cannot live without you. I will never be able to"

* * * * *

"Close your eyes, diba ang dilim? Try being alone, nakakatakot diba? When no one's with you, masakit diba? Don't worry, ayos lang yan. Try looking behind you, nandiyan lang ako. -- Always here for love. always"

* * * * *

"Dati, tuwang-tuwa ako kapag inaasar kita. Tuwang-tuwa ako kapag naiinis ka na. Tapos sabi mo lalayo ka, ayaw mo na ko makita. Sabi ko,"Wag! Mahal kita!" Sabi mo,"Nang-aasar ka nanaman ba?"

-- sorry naman love, pero isa yan sa minahal ko sayo napaka dali mong mapatawa haha super cute ka pag nagtatampo ka sakin

* * * * *

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon