Kabanata 26

157 23 3
                                    

Cid POV

These past few months!


March na! Malapit ng matapos yung Semester! Actually, 1 week nalang yung pasok namin. Biruin mo yun ang bilis ng matapos ng mga araw. Ang daming nangyari lalo na this school year pero para sakin isa lang ang masasasabi ko!


Sobrang saya ng life ko! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya buong buhay ko at dahil lahat yun kay Jamie.


He made me feel all the things that I never thought I would ever feel before. The feeling of being loved. Yes! being loved!




Kiniclaim ko na! Mahal ako ni Jamie! Nararamdaman ko naman kasi yun kahit hindi nya sabihin. Hindi na sya nag rereklamo pag tinatawag ko sa siyang Love. Hinahayaan nya yung mga ways ko in courting him.


Mga actions na paraan ko para ipakita sa kanya kung gaano ko sya kamahal. The way he looks at me, iba na sa dati na parang napipilitan lang sya dati. Ngayon! He smiles at me like I was the reason of those smiles. He would look at me, yung mga tingin na wala ng pagaalinlangan or ilang!



Kasama na din dito yung family nya, sobrang thankful ako sa kanya kasi for the longest time, I never felt na may family ako. Sobrang welcome ako ng pamilya nya lalo na yung mga kapatid nya. Ngayon ko lang naranasan makipaglaro ng ganun. Dati kasi bawal ako makipag laro kila kuya at ate. Lagi kasi silang nagaaral, kaya ako kung hindi sila Andy, sarili ko lang at yung yaya ko yung kalaro ko. Para akong bumalik sa pagkabata!



Isa nadin sa pinagpapasalamat ko yung mom ni Jamie, nakikita ko kung gaano nya kamahal si Jamie. Minsan nga naiinggit ako sa kanya kasi ako never akong nakaramdam ng pagmamahal ng isang ina. Simula kasi nung mag hiwalay si dad and si mom nung bata pa ko, wala nang ibang ginawa ang parents ko kung hindi ang asikasuhin ang mga career nila.



Kaya nga ngayon hindi na ko naniniwala sa concept of marrige! Kasi bakit pa diba? Kung ganito din naman katulad ng mga magulang ko. Kwento sakin ng yaya ko, si yaya kasi yaya din sya ni Dad dati kaya nasaksihan nya yung buhay ni dad.




Sobra daw nagmamahalan sila dad and mom pero anong nangyari! Wala din! Nasira din sila. Kaya rin siguro naging ganoon ako dati, aaminin ko hindi ko alam yung tunay na kahalagahan ng maraming bagay! Para sakin kasi, walang permanenteng bagay sa mundo! Na lahat ng saya at maganda, in the end maglalaho din yan! Kaya sobrang masaya talaga ako kay Jamie, for showing me all of this. Mas lalo ko syang minamahal and hinahangaan.



I'm still not into the concept of marriage, para sakin kasi basta mahal mo ang isang tao hindi mo na need ng kahit anong paper para patunayan ito. Para sakin, sapat na yung maipakita mo sa isang tao na mahal mo sya based sa actions mo, hindi ng isang papel lang!


Mas lalo pang lumakas ang pagaasa ko nung Valentines day. Sobrang nagulat ako sa ginawa ni Jamie! He kissed me! Yes, He really kissed me!


Oo, sa pisngi lang yun pero para sakin walang wala yung mga halik na natanggap ko noon galing sa ibang babae kung ikukumpara sa halik na yun ni Jamie. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganoong kuryente pagkatapos makatanggap ng halik sa isang tao, the fact na sa lalaki pa!


Masaya na dapat kami pero ewan ko kung anong nangyari samin dalawa. Nagulat nalang ako hindi na ko kinakausap ni Jamie. I tried calling him pero no answer.


I tried na puntahan sya sa room nya pero lagi syang wala or lagi busy daw sya. Nagiba din yung pakikitungo nya sakin. Minsan nga I tried na pumunta sa kanila pero ang sinabi lang nya wag na daw muna kasi ayaw na daw ng mom nya.



Anong nangyari may nagawa na naman ba ko? Kung meron, ano? Kasi wala talaga akong idea?



Last day of school year ngayon, bukas wala na kaming pasok tapos ganito pa! Hindi ko maiwasang hindi mapasabunot sa sarili ko. Naguguluhan kasi talaga ko sa mga nangyayari.



Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now