Kabanata 55

155 20 3
                                    

Jamie POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie POV

Andito kami ngayon pundaquit beach, isa sa mga beach na pupuntahan namin sa Island hopping sessions daw kuno na iterinary ni Andy. This beach is good for surfing at dahil super trip ng kasama ko ngayon ang mag surf kaya napili nila na dito ang unahin. Grabe ang gagaling nila kahit si Cid super galing! Favorite sports nya daw to, so talagang sana'y na sanay sya. Kasama nya sila Andy at iba pa nyang mga barkada pwera kay Aira, asan na nga ba yung babaeng yun? Sana umuwi na para masaya!


Habang ako andito sa may parang villa, isa sya sa mga small house dito. When I got the chance to have my own house ganito yung gusto ko. Maliit pero elegante tingnan and maaliwalas. Nagpapahinga lang ako dito, absorbing the heat of the sun, nag sunblock naman ako kaya keri lang! Kakatapos lang kasi naming mag swimming nila Yvonne! Nag enjoy nga ako kasi syempre ngayon ko lang naranasan yung mga ganitong bagay. Makapagswimming, makapagrelax ng ganito. Sa Manila kasi, puro problema and obligasyon yun andun. Hindi sa nagrereklamo ako, sadyang I really need this to recharge.


Nagpapaaraw ako sa isang beach chair ng biglang umupo sa tabi ko Andy. Nagulat nga ako kasi never syang lumapit sakin pwera nalang kung kasama nya sila Cid or yung iba nyang barkada. Infairness lumalabas kagwapuhan nya sa outfit nya ngayon ahh. Pati yung pagkahunk ng katawan nya lumalabas sa super fitted swim wear nya, pero syempre mas gwapo parin for me si Cid ko.


'Jamie, masaya ka ba?' Tanong ni Andy sakin na sobrang kinagulat ko kasi nung tiningnan ko sya napakaseryoso ng mukha nya.


Nung makamove on ako sa pagkagulat, nagawa ko ring sagutin yung tanong nya.

'Uhm ano yon? Sorry di ata kita narinig ng maayos.' tanung ko.

'Tinatanong kita if masaya ka ba ngayon?' Sinubukan kong magact na parang wala lang yung taning nya kahut ang totoo ay sobrang naguguluhan ako.

'Uhm, oo naman! I've never been this happy before bakit mo natanong?' nakangiti kong sagot kay Andy, which is true naman. I've never enjoyed myself, not until I met Cid. He changed everything about me and my life.


'Ahh wala naman! Buti naman at masaya ka (matagal na katahimikan before syanagsalita ulit) ahh habang wala si Cid, gusto sana kitang makausap ng masinsinan!'



Humarap sya sakin ng and medyo lumapit narin, bale face to face kami.

Gosh ano ba namang nakain ngayon ng lalaking ito, nakakailang! Nakakapagtaka talaga yung attitude ngayon ni Andy, he as never like this to me.

'Ahh okay, ano yung gusto mong pagusapan natin?'

Humarap ako sa kanya nyan para mas magkainitindihan kami ng maayos medyo umiwas kasi ako sa kanya nakakailang kaya! Paano ba naman mukhang seryoso yung paguusapan amin.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon