Kabanata 30

202 32 3
                                    

Third Person POV

Gabi na ngunit abala parin si Jamie na nagaasikaso ng mga customer sa restaurant na pinagtratrabaguhan nya. Napilitan din kasi yung manager ng restaurant na hingin yung tulong nya upang maging isa sa mga waiter lugar ng establishimento.  Dalawa kasi sa waiter na dapat nakaduty ngayong araw ay may sakit.


Ang restaurant na pinagtratrabahuhan nila Jaime ay isang restau-bar! Restaurant sa umaga, Bar naman sa gabi.


Rinig na rinig sa lugar ang ingay na nagmumula sa mga malalaking speaker na nakapalibot sa lugar na ito. Ang ingay na ito ay gawa ng isang banda na kasalukuyang tumutugtog sa isang stage na makikita sa gitna

Sobrang popular ng lugar na ito kaya hindi katakataka na puno ulit sila ng mga kanilang mga parokyano.

"Jaime! Ikaw na muna toka sa table number 1-5 ahh, ako na sa iba!" Tanong ni Jose, isa sa mga katrabaho ni Jamie. Halos magkasing edad lang sila, kaya napagkasunduan nilang huwag nang maging masyadong pormal sa isat isa.

Si Jose ay isa sa mga matagal ng Waiter ng restau-bar na ito, hindi na sya nagaaral di tulad ni Jamie kaya regular na ang kanyang posisyon dito.


"Bakit 1-5 lang, kaya mo bang ihandle yung Table 6-15? Baka mahirapan ka? May mga customer pa sa labas oh! Siguro 1-5 nalang..." Hindi naman pinatapos ni Jose si Jamie. Pinitik nya ng bahagya si Jamie sa kaniyang noo na sya namang ininda ni Jamie.

"Ano kaba! Bakit ka namimitik jan!" Reklamo ni Jamie habang hinihimas yung noo nya.


"Hahaha nakakatawa ka kasi!" Sabi ni Jose then nagawa pa nitong tumawa ulit, na siya namang pinagtaka ni Jamie.


"Nakakatawa? May nakakatawa ba sinasabi ko sayo?" Sabi ni Jamie


"Ay seryoso ka ba sa tinatanong mo sakin?" tumigil na sa pagtawa si Jose

"Mukha bang nagbibiro ako?" Nagtatakang sagot ni Jamie sa tanong ni Jose.

"Hahaha baliw ka ba Jamie? Akala mo ba itotoka ko sayo ang kalahati ng bilang ng mga table dito?" Inosenteng tumango naman si Jamie na mas lalong nagpatawa sa binata.

"Alam mo Jamie? Minsan hindi ko alam if totoong matalino ka talaga! Malamang hindi kita iaassign sa maraming table, sa tingin mo ba kakayanin mong maghandle ng maraming table ng ikaw lang? Ngayon mo palang mararansan ang magwaiter sa bar na ito kasi usually nasa kusina ko. Ako na nagsasabi sayo! Hindi mo kakayanin at saka delikado ka noh!" Sagot ni Jose.

"Delikado?" Pagtatanong na sagot ni Jamie.

"Ay nako ka! Hindi mo ba nakikita yung mga customer ngayon ng bar! Sa tingin mo ba kakayanin mo sila? Tulad nun! Nasa table 8!" Agad agad naman tiningnan ni Jamie yung table 8

Halos lumuwa yung mga mata nya ng makita nya kung sino ang andoon.

Ito ay grupo ng mga lalaking na may kasamang mga babae. Sobrang nakakatakot yung itsura nung mga lalaking nasa table na iyon. Napaka laki ng mga katawan nila na halatang halos tumira na sila sa gym. Puro tattoo din na kung titingnan mo ay para silang kasali ng isang delikadong gang, isa mo pa yung paano sila manamit.

Ang mga babae namang kasama nila is halos iluwa na ang mga damit nila or kung maikukunsidira pa ba yun as damit. Halos kita na kasi ung mga kaluluwa nila.

"Wag kang papaloko sa mga babaeng kasama nila. Ilang beses ng customer ang mga iyan dito sa bar kaya kilala ko na sila. Maiinit ang mga mata niyan sa mga inosenteng gay na katulad mo."

"Huh? Paano naman nila malalaman na bakla ako." Nagtatakang tanong ni Jamie.


"Nakikita mo ba ang sarili mo? Gulay ka Jaimie hahahaha ilang beses ka na ba pinagkamalan as babae ng mga customer dito. Lagi nila tinatanong if bakit ka daw ba nagpapaiksi ng buhok if bagay sa isang babaeng tulad mo daw ang mahaba hahaha nakalimutan mo na ba yung nangyari noong nakaraan? May isang grupo ng lalaki na inabangan ka pa talaga!"

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now