Kabanata 47

150 22 5
                                    

Jamie POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie POV

Ilang araw na kong pumapasok, same school parin naman. Buti nalang pumayag yung admin ko na bumalik ako sa school na ito and hindi na ko pinaulit sa 3rd year kahit mag 3 months na kong hindi nakapasok pwera pa yung naghomeschool ako. Kaya eto 4th year and , graduating na ko.

Masaya dapat ako kasi konti nalang matutupad ko na yung mga bagay na matagal ko nang pinapangarap, pero paano ko magagawa yun if nasa impyerno ako kasama yung lalaking kinakamuhian ko. Wala na din akong balita kila papa, hindi naman kasi ako pinapayagan ni John na dumalaw sa kanila.

I tried dati pero sobrang binubog nya lang ako na halos ikamatay ko na! Sobrang hirap ng buhay ko, yes! Nakatira at nakahiga nga ako sa maganda bahay at malambot na kama pero pakiramdam ko nakakulong ako.


Nakadepende lahat ng kilos ko at desisyon ko kay John.




Hindi ko parin alam kung anong ginawa nya para makumbinse si papa na ibigay ako sa isang tulad nya hindi naman ganun yung pagkakakilala ko kay papa, ang alam ko sobrang mahal naman ako ni papa kaya hindi ako makapaniwala na ipinaubaya nya ko kay John.


I tried na tanungin dati si john pero ang sinabi nya lang ay binenta na ko ni papa sa kanya kaya pagaari nya ako. Magkano lang ba ang halaga ko para ganituhin nya ko? Magkano lang ba talaga ako? Hindi ko na alam kasi sobrang pagod na yung katawan, utak at puso ko!


Hindi ko rin magawang tumakas dahil na rin sa mga banta nya! Ayokong madamay yung mga kapatid ko sa magulong buhay na pinasok ko. Kaya tiniitiis ko nalang ang lahat at patuloy na nagdadasal na darating yung panahon na makakalaya din ako sa buhay na toh.


Ngayon Anim na buwan na kaming magkasama sa bahay. I tried my best to pretend na natutuhan ko na syang pakisamahan at mahalin.


Yes! Mahalin, kasi yun ang gusto nya. He always forced me to say 'I love you'  kasi kung hindi sampal o suntok ang abot ko sa kanya! At saka naisip ko din na pag naisip nya na nakadepende na ako sa kanya o talaga sunod sunuran ako sa mga bagay na gusto nya baka sakaling lumuwang yung kapit nya sakin.


Sobrang bantay sarado nya kasi ako. Kung pwede ngang pati dito sa school sasama sya sakin. Pag nasa bahay naman ako, kinukulong nya ko at kinakandado pagaalis sya ng matagal.



Sobrang naawa na ko sa sarili ko. Hindi ko rin magawang humingi ng tulong kasi sa tuwing tatangkain ko natatakot ako. Hindi ko rin alam bat naging ganito ako, dati napaka talino kong tao at napaka tapang pero ngayon! Lahat ng bagay na gagawin ko maski ata pati paghinga ko nakadepende na sa kanya.


Kaya maraming nagtataka at lumalayo sakin dito sa school kasi sobrang mapagisa ako. Lagi kasi sinasabi sakin ni John na paglumapit ako sa ibang tao lalo na ang makipagusap sa lalaki. Papatayin nya ko kaya kahit wala sya dito, sobrang lumalayo ako sa lahat.


Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon