Kabanata 9

238 33 4
                                    

Jamie POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie POV

Huminga ako ng malalim bago sya tingan ulit sa kanyang mata at ibigay yung sagot sa mga tanong na kanina pa nyang sinasabi at hinihingi sakin.

"Okay!" yan nalang yung sinagot ko sa kanya. Wala na kong maisagot pa.

Nagulat naman ako nung bigla nyang ilapit yung mukha nya sa mukha ko.

Mga 1 inch nalang ata yung layo nya sa mukha ko haha nasukat ko talaga yun

"Talaga Jamie! You mean it? Pumapayag ka na?" halatang nagulat sya sa sagot ko kaya I smiled at him then tumango nalang ako.

I guess wala naman masama.

Di ba?

Ilang segundong hindi nakapagreact si Cid, tinitingnan nya lang ako na para bang sinigurado nya yung reaction ng mukha ko.

Hanggang sa "Yes!" Nagulat ako nung biglang sumigaw at nagtatalon si Cid sa harap ko, para tuloy syang baliw na batang sobrang masaya sa natanggap nya na regalo. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa kanya.

"Uy OA ka ahh! Pinayagan lang kita sa gusto mo. Hindi pa kita sinagot ng oo! Makasigaw ka naman jan"

Medyo huminahon naman na sya then bumalik sya sa harap ko at tiningnan ako ng diretso. Grabe paano nya nagagawa yan, di ba sya naiilang. Yung mga tingin nya na diretsong diretso sa mga ko. Hindi sya natitinag sa pagtitig, kumapara sakin na halos pagpawisan na dito sa kaba.

He started to hold my hands.

"Thank you, Jamie! Thank you talaga ah! I promise that I will not disappoint you!"

Then bigla nya kong niyakap na sobrang kinabigla ko naman. Hindi ko tuloy maiwasan na bumalik na naman yung bad memories ko kaya tinulak ko sya ng malakas na sya namang kinagulat nya

"Bitiwan mo ko!" sigaw ko sa kanya. Medyo nagulat sya pero nagawa nya parin akong alalayan napansin nya kasi na medyo nawala na ko sa sarili ko.

Sobra yung takot na naramdaman ko!

Sobrang sakit!

Feeling ko naghihisterical ako sa harap nya. I don't ever want to be like this! I don't want to continue to be like this whenever there are people who would try to hold me pero hindi ko mapigilan. Kusang bumabalik sakin ang lahat! Ang lahat lahat!

Kaya agad agad nyang hinawakan yung mga kamay then he snaked it until sa balikat ko para siguro pakalmahin ako.

"I'm really sorry Jamie, did I do something wrong? Please tell me!"

Medyo nahimasmasan naman ako kaya nagawa ko nang sumagot sa kanya.

"Jamie, please tell me! Nagaalala na ko sayo"

"Wala naman Cid, pasensya ka na medyo nabigla lang siguro ako"

Mukha namang naniwala sya kasi mawala na yung pagaalala sa mukha nya.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon