Kabanata 66

142 22 4
                                    

Cid POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cid POV

Agad agad kaming lumabas ng bar ni Andy at nagsabay sa sasakyan nya upang pumunta kung nasaan si Jamie.

Pag dating namin sa ospital. Hindi ko maiwasang manghina dahil narin sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Feeling ko anytime bibigay na yung tuhod ko!

I felt like my whole world are collapsing in front of me!

Every steps are heavy!

Every breaths of mine is praying for him to be okay!

Every second feels like a lifetime!

Pagdating namin sa ICU, dun daw kasi dinala si Jamie after ng operation. I didn't get a chance enter the ICU kasi bawal daw. Sobrang nagmakaawa ako sa mga nurse para hayaan ako pero hindi daw pwede. Iyak lang ng iyak yung mga tao sa paligid ko.

Yung mama ni Jamie, nakatulala na parang kanina pa iyak ng iyak dahil sa sobrang maga ng mata nya, ganun din yung mga kapatid ni Jamie. Sila Connie at Yvonne andito din na nung una nga nasampal pa ako ni Connie kasi kasalanan ko kung bakit nagkaganito si Jamie.

Si Yvonne kung pwede lang akong patayin ginawa na! Hindi ko naman sila masisi kasi totoo naman! Kasalanan ko naman talaga kung bakit andito sa sitwasyon na ito si Jamie.

I promise to always take care and protect him pero ano ito! I am the reason why he is like this. Why nag-aagaw buhay yung taong pinangakuan ko ng lubos na pagmamahal!

Sobrang nabulagan ako ng mga nakita at napanood ko! Nagpadala ako sa galit at selos! Kung pwede ko lang patayin sarili ko ginawa ko na! Sobrang nagsisisi ako sa mga ginawa ko.

Kasalanan ko lahat!

Kasalanan ko ito!

"Anong nangyari Cid? Bakit nangyari ito sa anak ko! Ang sabi mo ikaw ang bahala sa kanya pero bakit ganito! Anong nangyari? Bakit naaksidente si Jamie! Bakit nangyayari ito sa anak ko! Bakit!" Lumapit sakin yung mama ni Jamie para tanungin ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko lalo na't alam na alam ko na kasalanan ko kung bakit nangyayari ito kay Jamie.

"I'm so sorry, mama! I'm so sorry! I failed Jamie! I failed you! I broke my promise that I will always protect him! I messed up! I'm sorry! I'm so sorry! Patawarin nyo po ako! Patawarin nyo akong lahat!" Wala akong nagawa kung hindi humingi ng tawad sa kanilang lahat. Lalong umiyak yung mama ni Jamie habang ang mga kaibigan naman nya na sina Yvonne at Connie ay nakatitig lang sakin ng masama.

Alam kong galit nag galit sila sakin!

Patuloy lang sila sa pagiyak lalo na yung mama ni Jamie. Si Yvonne at Connie halatang hindi mapakali. Kanina parin ako nagpupumilit sa lahat ng maglalabas masok sa ICU na sana hayaan nila akong makita si Jamie kahit saglit lang!

After ng ilang ulit na pangungulit ko ay naawa din siguro yung mga doctor at nurse kaya hinayaan nila kong masilip si Jamie sa labas. Binuksan nila yung curtain ng window ng ICU at doon nakita ko sya.

Yung taong pinangakuan ko ng proteksyon at sobrang pagmamahal. Nakahiga ngayon! Nagaagaw buhay at dahil iyon sa aking kagagawan! Napakaraming tubo yung nakakabit kay Jamie at puro sugat yung katawan nya.

Dahil sakin ito! Kung hindi ako umaktong parang bata at kung mas naging maayos lang ang pagiisip ko at kinausap ko muna sya, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito! Hindi magkakaganyan si Jamie.

Hindi ko kinaya yung mga nakikita ko kaya natumba ako, mabuti nalang nasalo ako ni Andy.

"Pre okay ka lang?" tanong sakin ni andy!

"Kasalanan ko ito! Kasalanan ko ito!"

Sobrang nanlulumo ako sa nakikita ko! Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Naramdaman kong lumapit sakin si Yvonne! Pipigilan sana siya ni Andy pero huli na sya.

"Nakikita mo na yung ginawa mo? Dahil sayo kaya nagkaganyan yung kaibigan namin! Kung hindi ka lang naging tanga at kinausap mo muna sya hindi mangyayari ito! Pero anong ginawa mo, tinakbuhan mo sya na para kang bata! Akala ko ba mahal mo sya!Akala ko ba sya lang yung taong mamahalin mo, pero ano ito! Eto ba ang pagmamahal para sayo, kasi kung ito para sayo ang pagmamahal, please wag nalang Cid! Wag mo nalang mahalin si Jamie at please lumayo kana sa kanya! Hindi nya kailangan ang isang duwag na katulad mo! Hindi mo alam kung gaano mo nasaktan si Jamie! Iniwan mo sya sa ere! Nagtiwala sayo ang kaibigan ko! Ibigay nya sayo yung puso nya ng buong buo tapos eto lang yung isusukli mo! Mano man lang bang sabihin mo sa kanya yung dahilan mo kung bakit mo sya iniwan para hindi sya parang asong ulol na habol ng habol sayo! Matalino si Jamie, pero dahil sayo binago nya yung sarili nya. Tinanggap nya lahat ng pananakit at panlalait kasi umaasa sya nababalik ka! Anong ginawa sayo ni Jamie para ganituhin mo sya? Sino ka para gawin ito sa kanya? Dahil ba ikaw si Cid? Dahil ba galing ka sa mayaman at makapangyarihang pamilya, tingin mo may karapatan ka nang gawin ang lahat sa kung kanino? Ang kapal ng mukha mo! Tingnan mo si Jamie! Do you think he deserve to be this way! Do you think he deserves all of that!" Galit na galit si Yvonne habang sinasabi nya nito sakin.

"I'm so sorry! I'm sorry! I'm sorry!" Yun lang yung kaya kong isagot sa lahat ng sinabi ngayon ni Yvonne. Naiintidihan ko ang galit nya kasi totoo naman! Kasalanan ko naman talaga ng lahat ng ito!

Napaka tanga ko!

"Sorry? Yun na yun? Aba ang kapal din naman ng mukha mo eh! Teka ano pa bang ginagawa mo dito? Akala ko ba tinaboy mo na si Jamie! Iniwan mo na sya di ba so ano pang gusto mo? Lumayas ka dito! Wala kang karapatan na makita si Jamie! After all the things that you did and you said to him! Ang kapal mo para umarte ng ganyan!" This time si Connie naman yung tumayo at hinarap ako. Gaya ni Yvonne ay galit na galit din sya sakin .

"Yvonne, please stop saying that! Nasasaktan din si Cid sa mga nakikita nya! Hindi nya gusto ito!" Pagtatanggol sa akin ni Leon. Andito narin pala sya, hindi ko napansin na dumating yung iba naming kaibigan na kay Jamie lang kasi ang atensyon ko.

"Wow ahh! Nasasaktan! Eh nasaan sya noong kailangan sya ni Jamie! Wala! Andun sa Amerika nagpapakasaya kasama ang mga kalandian nya! Iniwan nya dito si Jamie, buti na nga lang andito si Andy! Sya yung gumagawa ng mga bagay na dapat yang magaling mong kaibigan ang gumagawa. Sa kabila ng kahit ilang beses syang ireject ni Jamie, dahil nga mahal ni Jamie yang ulupong nayan. Hindi nya iniwan ang kaibigan ko! Yan yung totoong nagmamahal! God! Ewan ko ba kung anong nakita ni Jamie sa lalaking yan! Napakasama nya! Hindi deserve ni Jamie ang isang katulad nya lang!"

Sobrang nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Yvonne, pero hindi ko magawang lumaban kasi alam kong tama sya! Kasalanan ko ang lahat ng ito! Kasalanan ko kung bakit nagkaganito si Jamie! Kasalanan ko kung bakit nasasaktan yung taong hindi naman dapat nasasaktan ngayon!

"I'm sorry! I'm really sorry! I'm sorry!" Yan lang yung nasabi ko tapos bumitaw ako sa pagkakahawak ni Leon at umalis..

Duwag na kung duwag pero hindi ko kayang makita si Jamie sa ganitong kalagayan! Sobrang nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko yung kalagayan nya ngayon! Sobrang nanlulumo at pinanghihinaan ako!

Tumakbo ako at nag punta ako sa labas ng Ospital ito! Doon ko nilabas lahat ng nararamdaman ko!

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon