Kabanata 31

205 31 2
                                    

Third Person POV

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Third Person POV

Halos maging istatwa si Jamie habang iniitay na dumampi ang mga kamay ng lalaking customer na halatang galit na galit sa kanya.

Alam niya na hindi sya pupwedeng lumaban kasi maaaring trabaho niya ang maging kapalit kung gagawin nya ito. Kaya imbes na lumaban ay napapikit nalang sya.

"Sige! Subukan mong gawin yung tingin kong gagawin mo! Tingnan lang natin yung anong sunod na mangyayari sayo! Kasi sisiguraduhin ko! Manghiram ka talaga ng buhay kay San Pedro!" Paggalit na sabi ng lalaki habang hawak hawak yung kamay ng customer na bumastos kay Jaime.

Ilang segundo pang hindi nakakadilat si Jaime ngunit ng hindi nya maramdaman ang kahit na sino na mananakit sana sa kanya, dahan dahan nyang dinilat ang mga mata.

Ang kaninang medyo natatakot na reaksyon ni Jaime ay napalitan ng sobrang gulat ng makita ang kasalukuyang nangyayari. Hawak hawak ng  isang lalaki ang kamay ng customer. Halata sa mga mata nito ang sobrang galit.

Hindi makapaniwala si Jamie na nadito siya!

"Cid?" Ito ang nasabi ni Jamie ng makita si Cid.

"Walang hiya ka ah! Sino ka para pagsabihan ako nang ganyan! Baka hindi mo ko nakikilala!" pagalit na sabi ng lalaki. Aakma sana siyang kukunin yung kamay niya mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Cid, ngunit hindi nya ito magawa.

Nanlilisik ang mata na sinagot ni Cid ang lalaki.

"Ikaw! Kilala mo ba ko kasi sisiguraduhin ko sayo! Pag nakilala mo ako ay pagsisisihan mo na tinalo mo ako!" Pagalit na sabi ni Cid then binitawan nya ng marahas ang kamay ng lalaki.

"Cid! Anong ginagawa mo dito!" Tanong ni Jamie kay Cid, agad agad naman siyang hinarap ni Cid upang sana ay sagutin ng biglang hinawakan ng lalaki si Cid sa braso upang iharap ang mukha nito sa kanya

"Aba talagang malakas ang loob mo! Kilala mo pala ang salot na ito!" Aakma ang lalaki na susuntukin si Cid. Sobrang takot ang naramdaman ni Jamie ng makita ito.

"Love!" Sigaw ni Jamie

Ngunit hindi pa man nakakadampi ang kamao ng lalaki kay Cid ay nakailag na ito. Pagkailag ay agad agad na bumwelo si Cid na parang susuntukin din nya yung lalaki at nagtagumpay nga ito. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Cid na siyang naging dahilan para matumba ang lalaki.

"Sinasabi ko na sayo! Magisip ka muna ng mga gagawin mo laban sakin! Wala akong oras sayo!
Kung wala lang dito sa harap natin ang boyfriend ko, sisiguraduhin ko sayo! Manghihiram ka ng mukha sa aso." Pagalit na sabi ni Cid.

"Aba talagang!" tatayo sana yung lalaki parang muling sumugod, ngunit napigilan na ito ng driver ni Cid.

"Sir, ayos lang po ba kayo?" Tanong ng driver sa amo.

Cid smirks while thinking.

"Wala talagang pinagbago ang driver / bodyguard ko na ito. Napakabilis parin nyang pigilan ang mga gulo ko. Sabagay eto naman talaga ang trabahong nakaatang sa kanya simula nung ibigay sya sakin ni Kuya. Ang siguraduhin hindi ako mapapasok sa kahit na anong gulo!"

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu