Kabanata 65

170 24 14
                                    

Time check 8 pm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Time check 8 pm

Cid POV

Hindi ko na alam kung nakakailang alak na ako pero hindi naman ako basta basta nalalasing kaya okay lang. Wala rin sumisita sakin kasi kilala na ko ng mga tao dito. Pagaari ng kuya ko yung bar na ito kaya I can do whatever the hell I want here.

Andito ako sa parang isang private room kasama yung isang babaeng nahatak ko kanina sa dance floor. She's kissing me right now all over, pero I never responded. Wala akong gana! Hinahayaan ko lang sya sa ginagawa nya. While me? Busy na nilulunod yung sarili ko sa alak.

Kung pwede lang talaga turuan ang puso na magmahal ng iba ay ginawa ko na. Kung pwede lang sabihin na wag na si Jamie at kalimutan ko na sya, pero pucha! Hindi ko magawa!

Gusto kong sundin yung sinasabi sakin ni Aira na subukang kalimutan sya! Gusto kong magmove on sa lecheng pagmamahal na ito, pero hindi ko kaya!

Hindi ko magawa!

Patuloy lang ako sa aking ginagawa, nang biglang pumasok si Andy sa room kung nasaan ako ngayon. Halatang galit na galit sya, pero at the same time halata din pinipigilan nya yung sarili nya na magalit.

Bakit anong meron? Anong ginagawa dito ng mang-aagaw na yan?

"Cid! We need to talk!" Diretsong sabi ni Andy sa akin. Ano pa bang dapat naming pagusapan? Magmamayabang ka ba na tuluyan ng inyo si Jamie?

Wag na!

Wala ako sa mood!

"Wala tayong dapat pag-usapan kaya umalis kana dito, kung ayaw mo ipatapon kita sa labas gamit yung mga bouncer ng bar na ito! Pagod na ko! Kilala mo ko Andy! Kayang kaya kita patayin sa lugar na ito! Kaya kung gusto mo pang mabuhay lumayas ka dito!"

"Babe? Who's he?" Tanong nung kasama kong babae na di ko naman pinansin.

"Babe? Girlfriend mo sya? Talaga bang pingpalit mo na sa isang katulad nyan si Jamie?" May halong gulat at pagtataka sa boses ni Andy habang tinatanong nya ko. Anong karapatan nya para magtanong kung ano yung ginagawa ko! Sino sya para pakialaman ako!

"Anong..." Sasagot sana yung babae, na insulto ata pero kung tatanungin ako? Totoo naman talaga! Kung ikukumpara mo itong babaeng ito kay Jamie, walang wala sya. Ang babae na ito ay mukha lang isang parausan or pampalipas oras pero si Jamie! Si Jamie yung taong sobrang mong mamahalin at pakaiingatan kahit na sinaktan nya ko, yun parin ng tingin ko sa kanya.

Hindi ko pinahalata kay Andy na sumasangaayon ako sa sinasabi nya. Nanatili akong walang expression at humarap sa kanya.

"Ano naman sayo! Wala kang pakialam kung sino ang makakasama ko! Oh, pati ba naman sya kukunin mo gaya ng ginawa mong pagagaw kay Jamie!"

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon