Kabanata 21

175 24 2
                                    

Jaime POV

(Nagising)

"Asan ako?"

Asan ako? Nagising kasi ako nasa isang kwarto na akk. I started to look around. May kama, upuan at side table. May kung ano ano pang bagay na hindi ko masyado maaninag, medyo madilim kasi kaya di ko makita ng maayos.

Nasan na yung salamin ko?

Tatayo na sana ako sa pagkakahiga ng maalala ko yung nangyari sakin.

Hindi kaya?

Hindi pwede!

Nagtalukbong ako ng kumot.

"Tulong! Tulungan nyo ko!" sigaw ko habang nasa ilalim ng kumot.

Nasaan ba ko? Baka kung saan na ko dinala nung mga lalaking yun!

Anong gagawin ko! Maya-maya naramdaman ko naman na bumukas yung ilaw tapos may kung sinong patakbong lumapit sakin. Naririnig ko kasi yung malalakas na yabag ng mga paa papalapit sakin.

Sino ito?

"Love! Love! Okay ka lang!"

Narinig kong sigaw ng taong tumakbo papalapit sakin! Naramdaman kong nasa tabi ko na sya at sinusubukang alisin yung kumot na nakatakip sa akin.

Love?

Si Cid ba ito?

Si Cid lang naman ang tumatawag sakin ng Love!

Andito sya?

Nung marinig ko yung boses na iyon. Agad kong tinanggal yung kumot na nakatalukbong sakin, para maconfirm if si Cid nga yung lumapit sa akin. Pagtanggal ko ng kumot, agad naman akong niyakap ng lalaking nasa harap ko ngayon na halatang sobrang nagaalala sakin.

"Love, okay ka lang? Pinagalala mo ko! Halos isang araw ka nang tulog, gusto na nga kitang dalin sa ospital eh. Kaya lang sabi ni manang pagod ka lang daw siguro kaya hinayaan nalang kitang magpahinga. Okay ka na ba?"

Tarantang pagtatanong nya sakin 😮

Si Cid nga!

Andito na sya! 😭

Bumalik na sya!

Hindi ko alam pero sobrang saya ko!

Sa sobrang saya ko, na gustong gusto kong umiyak. Kaya ayun na hindi ko narin napigilan kung hindi ang magsimulang umiyak. At hindi lang basta iyak! Ngumawa talaga ko! Para akong bata, wailing in his arms.

"Bakit ngayon ka lang! Ang sabi mo hindi mo ako iiwan! Bakit nawala ka? Akala ko ini..." Hindi na nya ko pinatapos at niyakap nya ko ng mas mahigpit habang hinahagod yung likod para siguro pakalmahin ako

"Shhhhhhh, I'm so sorry, Love! I'm really sorry. I just want to suprise you. Actually, on the way na ko sa trabaho mo noong time na iyon, kaya lang nasiraan kami! Sakto naman pagdating ko, nakita kitang tumatakbo kaya ayon sinundan kita. Kung alam mo lang kung gaano ako nagaalala sayo!"


Akala ko talaga napahamak na ako! Medyo nahimasmasan na ako kaya humiwalay na ako sa yakap nya.

Ay oo nga pala! Anong nangyari kagabi, ang huli ko lang natatandaan ko nacorner na nila ko. Akala ko talaga mauulit nanaman!

"Cid, Anong nangyari, paano ako nakarating dito? Nawalan na kasi ako ng malay"

"Ah love, ganito kasi..."

*Flashback*

Cid POV

Sobrang Excited na ko! 1 week ko nang hindi nakakausap ang mahal ko! Miss na Miss ko na sya sobra! Ewan ko ba kasi bakit pa ko pumayag sa suggestion ng bestfriend kong si Aira.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now