Kabanata 67

174 24 11
                                    

Cid POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cid POV

Andito ako ngayon sa labas ng ospital malapit sa parking area.

Sigaw ng Sigaw!

Nagwawala!

Why! Bakit kasi napakatanga ko!

Kasalanan ko lahat ng ito!

Kasalanan ko!

I should've trusted him!

Hindi ko dapat pinagduduhan yung pagmamahal sakin ni Jamie!

Dahil sakin! Dahil sa katangahan ko maaring mawala si Jamie sakin!

"Please Lord! I know I'm a sinner and I'm not deserving to any of you help but please! I'm begging you! Please don't take him! Please don't! I don't know what will I do if you take him from me. Hindi ko kayang wala sya! Mamatay ako pagnawala sya sakin! Aminado ako, masyado akong naging tanga pero alam ko sa sarili na Kailan man hindi ko kakayanin ang tuluyang mawala sakin si Jamie! Mas gugutuhin ko pang magmahal nalang sya ng iba kesa naman yung mawala sya ng tuluyan. Hindi ko kakayanin ang mabuhay sa mundong wala si Jamie! Hindi ko kaya! Please Lord! Please heal Jamie! Please help him! Honestly right now! I feel so helpless!"  All i could do is pray for Jamie!

I feel so fucking useless!

~~~

Andito ako ngayon sa kwarto ni Jamie, nasa tabi nya lang ako habang hawak hawak ko yung mga kamay nya. Nakakabakla man aminin, pero I'm crying! Yes, I'm crying.

How can I not be? Sobra akong naawa kay Jamie! Sobrang daming tubo na nakakabit sa kanya. Sabi nila itong mga aparato daw na ito yung tumutulong para patuloy na mabuhay si Jamie. He is really hurt because of the accident. His legs are literally broken that they have put so many titanium metals on his legs just to keep his bones together. Sabi ko ng doctor, mahihirapan na daw si Jamie na makabalik sa dati. Matinding therapy daw ang gagawin para makalakad sya ulit.

Sa ulo naman nya, kinakailangan din nyang operahan sa ulo kasi may namuong dugo daw sa isang parte ng ugat nya sa ulo. Buti na nga lang daw at hindi iyon naging sanhi para ma stroke sya. Sobrang dami pang ibang operasyon na isinagawa sa kanya, sa ibat-ibang parte ng katawan nya dahil narin sa dami ng natamo ni Jamie, ay idineklara sya na in a state of coma. Hindi naman daw sya brain dead kasi kahit papaano ay may activity pa silang nakikita kay Jamie.

Pero in a coma? Si Jamie ko? Nasa coma! Pakiramdam ko ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga naririnig kong sabi sakin ng doctor.

Sobrang nasasaktan ako at nahihirapan na makita siyang nasa ganitong sitwasyon.

Namomoblema yung mama regarding sa panggastos dito pero sabi ko ay ako nang bahala sa lahat! Gagawin ko ang lahat kahit na ang maghanap ng magagaling na doctor at dalin sila sa bansa para lang tulungan ang mahal ko.

His mother is also here sleeping katabi yung mga kapatid nya. Hindi naman galit si Mama after ko magpaliwang nang nangyari. Naiintindihan nya daw ako kasi bata pa ko at wala pang masyadong karanasan sa pagibig. Normal lang daw yung naging reaction ko, pero para sakin, kasalanan ko parin ang lahat! At akin itong pagbabayaran habang buhay!

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon