Kabanata 59

121 19 4
                                    

Flashback day after the surprise of Cid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Flashback day after the surprise of Cid

Jamie POV

*wake up*

Nagising ako mula sa mahigpit na pagkakayakap sakin ni Cid.

Yes, we are sleeping together, pero sleep lang ahh. Walang nangyari samin! He respects me!

Sinubukan kong iaalis yung paglalayakap sakin ni Cid pero I can't seem to do it. Naramdaman ko din na parang mas humihigpit yung pagkakayakap nya. I tried again pero ganun parin!

Gising na ata sya!

"Love, wake up! Wake up na! I want to stand up!"

"Later, Love! I want to stay like this with you! This feels like heaven!" Halatang antok na antok pa si Cid, judging by his voice.

"Love, gabi na nga oh! Magdamag na tayong nakahiga! Kanina pa nga tayo kinakatok nila Andy. Inaaya ka nila pero dahil ang sarap ng tulog mo pinaalis ko muna sila! Natulog nalang ako ulit then ngayon nagising na ko, sleepy ka parin?"

"Hayaan mo sila, Love! Alam mo kahit buong buhay pa akong nakahiga dito sa kwartong ito, basta ikaw ang kasama ko. Hinding hindi ako magsasawa! I love it like this! Just to be with you feel so surreal!" Tapos ayun bumalik na sya sa pagyakap sakin.

Ano ba naman itong love ko! Grabe kung makayakap akala mo naman mawawala ako!

"Pero Love! I'm kinda hungry na!" I tried to move his hand again, but he is not budging. Ay sya! Dedmahin daw ba ko!

"Love, please! Let's go out na! Nagugutom na talaga ko!"

"Love? Love! Love?" Bakit hindi sumasagot ito. I decided na silipin sya at dito ko nga na confirm! Nakatulog pala ulit si Cid. Nakangiti pa habang humihilik ng konti! Ang cute nya talaga pagmasdan!

I wasn't able to appreciate this beauty the first time that we slept together pero now that I can fully look at him close like this, I can't help but feel so lucky! Napakaswerte ko kasi sa dinami dami ba naman ng tao na pwede makadanas ng nararanasan ko ngayon, ako ang maswerte nabigyan ng pagkakataon para makasama at makatabi sa pagtulog ang napakagwapo lalaki na kasalukuyang hinahagkan ako.

Kaya lang!

Gosh! Nagugutom na talaga ako! Nagpapapansin na yung mga alaga ko sa tyan! Nagugutom na daw sila! Wala na kong choice kung hindi tumayo at lumabas! Mukha nahimbing ulit yung tulog nya kasi hindi na sya umalma nung tumayo ako.

Inayos ko muna yung kumot ng love ko, pero before ako lumabas ng kwarto tinitigan ko muna ulit si Cid. Ewan ko ba pero nahawaan na ata ako ni Cid, I can never get enough of him. I love seeing him like this.


Hindi nakakasawang tingnan yung isang tulad nya. I smiled as I looked at him tsaka ako nagdecide na buksan na yung pinto ng kwarto at ayun lumabas na ko!

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon