Kabanata 12

246 36 3
                                    

(A/N Sisimulan ko yung POV ni Cid, nung nalaman nya yung nangyari kay Jamie)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


(A/N Sisimulan ko yung POV ni Cid, nung nalaman nya yung nangyari kay Jamie)

Cid POV

Naglalaro ako ngayon ng basketball, sobrang paspasan na yung pagprapractice namin. Medyo mahirap kasi yung kalaban nqmin for the next game. Ang alam ko sila yung depending champion and wala pang nakatalo sa kanila for 3 consecutive years so need namin talaga na gawin ang lahat to beat them.

Hindi ko na nga nagawang sunduin si Jamie sa kanila, kaya pinasundo ko nalang sya sa driver ko. Medyo nilulubos ko na ngayon para later ako na ang maghatid sa kanya. One day ko palang siyang hindi nakikita pero sobrang miss ko na sya.

Pucha nababakla na naman ako, pero I don't care kasi totoo naman!

This is my second big game for my team. Di ko makakalimutan yung unang game ko.

Never!

That's because of that one guy named Jameson! Hindi ko alam kung anong ginawa sakin ni Jamie pero iba sya. Ngayon ko lang naramdaman ito, sa tanang buhay ko.

I have so many girlfriends before. Yes! you heard me right.

Marami na kong naging girlfriend, flings, kalaro or whatsoever you want to call them! Kaya isa na rin ito sa dahilan kung bakit magkasundong magkasundo kami nila Andy. Mahilig kami sa babae! Eh anong magagawa ko, gwapo ako! Mayaman pa! Masasabi kong isa akong lalaking pinagkakaguluhan at kinababaliwan ng mga babae! Minsan pati ng kapwa ko lalaki pero I never paid attention to them. Alam ko kasi na 100% straight ako.

Yun ang akala ko!

Hindi ako nahihirapan humanap ng makakarelasyon kasi kadalasan babae na yung lumalapit sakin.

1st year high school palang ako may girlfriend na ko at hindi lang isa kundi dalawa sila. Sabay! They don't mind it though.

3rd year high school may experience na ko sa lahat ng ginagawa ng mga magkasintahan. As in lahat! Pero marunong ako mag ingat, tinuruan ako ng bestfriend ko!

Si Google! Sa US ako tumira, kung alam nyo lang kung gaano ka liberated ang mga babae dun. Sobrang wild nila na ako mismo nagugulat sa mga kakayanan nila.

Macoconsider mo nga ako as Casanova pero I never claim it. I never need a title to be who I am.

Papalit palit ako ng babae, ewan ko para sakin kasi laruan lang sila na madaling palitan and dahil narin sa mayaman ako, naniwala ako na I can do everything with my life. I can choose and get whomever I want!

Anytime! Anywhere! Kaya siguro ganon nalang ang takot ng parents ko specifically my dad na tuluyang masira ang buhay ko, kung patuloy akong mananatili sa US.

Di naman ako rebelde pero hindi talaga ako okay as student. Isa pa ito sa dahilan kaya din siguro napagdesisyunan ng parents ko na dalin ako dito sa pilipinas para mag college para daw tumino ako. To be honest, I don't mind being here! Okay lang naman sakin kasi andito naman yung mga barkada ko na sila Andy kaya pumayag narin ako.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon