Kabanata 41

171 24 5
                                    

Cid POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Cid POV

After that long drive, andito kami ngayon sa Resort nila Andy,

Dito ko sya dinala after nung halos magmakaawa si Jamie na ilayo ko daw sya.

Dito talaga dapat kami pupunta today para sa suprise ko sa kanya. Alam ko mahilig daw sya sa dagat and nagkataon may-ari ng isang resort dito sa Zambales yung family in Andy.

Kaya sinamantala ko na! Wala din tao dito ngayon maliban samin at sa mga service crew. Pinareserve ko kasi yung resort for the whole week. Gusto kong magenjoy si Jamie ngayon break namin. Next school year 4th year na kami so mas magiging busy kami parehas. Susulitin ko sana yung bakasyon na ito kung Hindi lang nangyari yung kagabi.

Argh! Nakakabwisit talaga wrong timing! Speaking of last night sa totoo lang may part sakin na nagtataka and maraming tanong.

Hindi ko nga maintindihan nung una kung bakit naging ganun yung reaction nya. Sobrang nakakaawa sya. He looks hopeless. Di na ko nagtanong kung bakit ganun nalang yung pagiyak nya. Ganun ba nya ka-ayaw yung nagawa ko. Ganoon ba kamali yung halik ko? Pero pakiramdam ko at sigurado ako nagustuhan nya din yun because he responded with my kisses. Yes, he did!

Gustong gusto kong magtanung pero pinigilan ko. Gusto ko kasi sya mismo ang magsabi sakin kung bakit. Sa totoo lang nararamdaman ko din na may tinatago sya sakin. May mga times kasi na sa tuwing nakakakita sya ng violence or taong inaabuso nagiging iba sya.

Pati ung pag pinaguusapan ay yung tungkol sa mga baby or pregnant woman umiiyak nalang sya bigla. Isa pa nga yang dahilan kung bakit never ko syang nahalikan sa labi kasi whenever I tried doing that umiiwas sya tapos sasabihin nya di pa sya ready.

Nung una naiintindihan ko naman kasi baka naninibago pa sya sa setup namin pero nung tumagal medyo nagtataka narin ako. Minsan pag hahawakan ko sya para syang natatakot na hindi ko maintindihan.

Ang daming tanung ng isip ko ngayon. Mga tanong na tanging sya lang ang makakasagot. Maybe I'm just so smitten by him na lagi ko nalang ibanabaon lahat ng duda at mga tanong ko.

Kasalukuyan syang natutulog, dinala ko na din sya sa isang kwarto dito sa resort. Grabe talagang matulog tong lalakeng ito. Tulog mantika! Nabuhat at nadala ko na sya kung saan saan, hindi pa rin nagising. Umupo ako sa tabi nya at nagsimulang hawakan ang kanyang mukha. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang tinitigan sya.

Pinagpaalam ko na rin pala sya sa mom nya. Tinawagan nya kasi ako habang nasa byahe kami. Ang sabi ko nalang, dito kami nagcelebrate ng birthday nya sa resort kaya baka matagalan kami makauwi extension kumbaga ng celebration namin kahapon. Nagalala pa nga ako nung una kasi baka magalit si mama. Yes! Mama na nga pala tawag ko sa mama ni Jamie.

Pero malaki naman daw tiwala nya sakin kaya ayun pinayagan ako. Sobrang saya ko! Makakasama ko ng matagal si Jamie ko. Pupunta dito sila Andy kasama si Aira, nalaman kasi nila na nandito kami kaya ayun makikijoin daw sila. mga istorbo talaga!

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now