Kabanata 27

165 30 2
                                    

Jamie Pov

Ilang araw ko na ngang hindi pinapansin si Cid. Sinabihan ko na din siya na wag na munang pumunta sa bahay namin, dinahilan ko pang ayaw kasi ni mama pero ang totoo ayoko lang talaga syang makausap or makita.





Di pa rin kasi ako makaget over sa nakita ko pero ano nga bang karapatan ko di ba hindi naman kami. So, he can do whatever he want. Whoever he want to be with!





Bahala na sya! Wala na kong pakialam sa kanya!



"Nakakainis talaga!" Sabi ko sabay salampak ng mukha ko sa desk ko, narinig siguro ako nila Yvonne kaya nilapitan nila ko.


"Uy friend, okay ka lang?" tanong sakin ni Connie


"Ay naku beshy, halata namang hindi. Sigurado si papa Cid na naman yan noh! Ay naku friend kung ako sayo kausapin mo na. Hindi yung dinedema mo sya kawawa naman si papa Cid" Kawawa? Ako nga yung kawawa pagkatapos nyang sabihin mahal nya ko, tsaka nya ko ipagpapalit!

Kung kelan handa na ko! Dapat pala sa una palang tinigil ko na lahat ng ito


"Friend, alam mo di ka pa naman sure, malay mo kaibigan nya lang tapos nag assume ka agad. Mahirap yan, pinapahirapan mo sya sa kasalanang hindi ka naman siguro na talagang ginawa nya." Sabi ni Yvonne. Oo nga noh? Bigla tuloy ako napaisip sa sinabi nya. Pero kasi naman! May pahawak ng buhok pa silang nalalaman! Gawain ba ng magkaibigan yun?


Argh! Nakakairita talaga!


"Oo nga friend, wala naman mawawala. If totoo edi siraulo sya!" sabi ni Connie

"Uy beshy mga words mo ahh!" saway naman ni Yvonne, medyo natatawa naman ako sa kanilang dalawa


"Sorry naman, what I mean is if totoo edi totoo then move on, pero paano pag hindi naman pala tapos inakusahan mo sya agad nako friend bad yun!"


"Sa tingin nyo?" Napaangat tuloy ako ng ulo bigla then tiningnan ko sila.




"Yes!" chorus pang sabi nila Yvonne at Connie.



Sige na nga aiguro nga hindi dapat ako nagaasume agad. Ewan ko ba umiiral na naman kasi ang pagkakaroon ko ng trust issue.

"Sige na nga!" Sabay tayo ko pa!

"Oh, Saan ka pupunta?" Tanong ni Connie

"Kay Cid!" Nakangiti kong sagot. Siguro nga masyado lang akong nagassume! Ang shonga shonga ko talaga!


"Ayan tama yan!" Masayang sabi nila sakin.

"Thank you, Girls! Mga tunay talaga kayong kaibigan!" Sabi ko sa kanila then I hugged them

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon