Kabanata 43

135 18 0
                                    

Jamie POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie POV

Kakatapos lang namin kumain ng biglang magsalita si papa.

'Jamie, nabalitaan ko yung nangyari sa may tindahan ahh!' biglang sabi ni papa sakin

'Ahh pa yun ba! Si John kasi binabastos na naman ako eh!' sagot ko kay papa

'Jamie, ano bang ayaw mo kay John. May trabaho, may kaya sa buhay, may itsura din naman. Siguradong magiging maganda yung buhay mo sa kanya kung papayag ka sa gusto nya!'

Yes, you heard it right! Nirereto ako ni papa. Gusto nya umoo ako sa gusto ni John na makisama sa kanya!

Yes! gusto nyang asawahin na ko kahit napaka bata ko pa! bwisit diba pero ewan ko ba kung anong pinakain ng lalaking yun sa papa ko para napapayag nya ng ganyan.

'Pa alam nyo naman yung sagot ko jan diba! Ayoko sa kanya! Ano bang pinakain sa inyo ng lalaking yun para magustuhan mo sya ng ganyan!' Medyo galit kong sabi kay papa. Lagi nalang naming pinagaawayan ito these past few months. Matagal na kong pinipilit ni papa para umoo, para daw mabawasan yung problema nila ni mama kasi ang pangako ni John sa kanya, sya na daw yung magpapaaral sakin at tutulungan din nyang magkaroon ng sariling tindahan si mama dito samin para di na sya mag trabaho sa ibang lugar.

Sobrang daming pinangako ni John sa kanila na sya namang tinanggap ni papa! Pakiramdam ko tuloy, parang binibenta nya lang ako! Hindi nya ba alam kung sino at kanino nya ko pinamimigay!

'Pa, please naman! Maging tatay ka naman sakin. Pa, binebenta mo ko sa demonyo! Wala ka bang pakialam sa pupwedeng mangyari sakin pagsumama ako sa kanya!'

'Wag mo kong pinagsasalitaan at pinangangaralan ahh anak lang kita! magulang mo ko kaya alam ko kung anong makakabuti sayo kaya yung sinasabi ko ang sundin mo!'

'Talaga lang pa ahh! Makakabuti! Wow ahh! Makakabuti ba yung ibebenta mo ko para gumaan ang buhay nyo!' Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya nakapagsalita nako. Hindi ko kasi talagang kayang intindihin yung gustong mangyari ni papa! Anak nya ako! Anak! Hindi ako parang isang asong madaling ibenta or ipamigay pag pinagsawahan mo na!

Biglang naman tumayo si papa at sinampal ako na syang sobrang kinabigla ko! Kaya sa inis ko tumakbo ako palabas, then pumunta ko sa may likod bahay! Dito ako pumupunta pag gusto ko magisip.

Maaliwalas kasi yung lugar natoh dahil sa mga halamang tanim namin. ang may upuan din dito sa ilalim ng puno ng mangga, napabuntong hininga nalang ako at di napigilang maiyak!


Lord! Masama ba kong anak! Tama nga ba si papa at ako yung mali! Pero napaka bata ko pa! Marami pa kong pangarap na gustong maabot sa buhay ko! Marami pa kong gustong marating! Umiiyak ako nung biglang dumating si ate.

'Mahal kong kapatid! okay ka lang?' Sabi sakin ni ate Aubrey. Di ko na nagawang sagutin sya, sumandal nalang ako at umiyak sa balikat nya. Nanatili lang kaming ganun, umiiyak ako then sya nakatingin lang sa langit. Ganyan sya lagi kaya mahal na mahal at close na close ko si ate.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon