Kabanata 22

153 26 1
                                    

Cid POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cid POV

Condo

Pagkapasok ko sa condo ko, dinala ko agad sa kwarto ko si Jamie. Tinawag ko naman si manang para asikasuhin siys. Medyo marumi na kasi yung damit nya. Pwede namang ako kaya lang baka...

Baka...

Aist! Ano bang nangyayari sakin!

God! Baka di ko mapigilan sarili ko. Kaya ayun hinayaan ko nalang si manang ang magasikaso sa kanya. After maasikaso ni manang si Jamie pumasok ako ulit sa kwarto. Grabe sobrang nagalala talaga ako sa kanya.

Ngayon kahit nasa tabi ko na sya. Sobra parin yung kabog ng dibdib ko. Hindi ko mapapatawad yung sarili ko pag may nangyari kay Jamie tapos wala ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng takot sa buong buhay ko! Nanginginig pa nga ngayon yung kamay ko!

Sobrang himbing ng tulog nya, para syang angel sa paningin ko! Hindi mahahalatang kanina, muntik na siyang mapahamak dahil sa mga dimonyong lalaking yun! Argh! Kung hindi lang talaga ako pinigilan ng driver ko, malamang nakapatay na ko ng tao!

Wala akong pakialam sa kung anong magagawa ko basta ang alam ko lang is kailangan kong maipagtanggol si Jaime!

Lalabas na sana ako ulit ng marinig ko syang magsalita habang tulog.

"Pa! Wag po! Please maawa po kayo sakin! Anak nyo po ako! Papa! Tulong! Ayoko po! Please pa! Anak nyo po ako bakit nyo po nagawa sakin ito! Please! Ma! Tulong! Ate! Ate iligtas mo ko! Please! Parang awa nyo na po!"

Umiiyak sya habang sinasabi nya yan. Sobrang nagtaka tuloy ako kung anong nangyayri sa panaginip nya at ganyan yung iyak nya and papa nya? Anong ginawa ng papa nya? Oo nga pala noh, di pa nya nakwekwento sakin yung papa nya.

Puro lang kasi mama and mga kapatid nya bukambibig nya. He never mentioned anything about his father to me! Ever!

Suddenly his hands started to crawl into my arms. Kumakapit sya sakin na para syang humuhingi ng tulong. Jamie is pulling me closer to him so wala akong choice kung hindi lapitan ko sya and tabihang matulog para kumalma sya.

Niyakap ko sya ng mahigpit, hindi ko alam if tama kto pero maya maya naramdaman kong kumakalma na sya.

Okay lang naman siguro ito noh?

Wala namang malisya!

Gusto ko lang masiguro na okay sya!

Ngayon lang, Love!

Ngayon lang!

After a while sabay kaming nakatulog ng magkayakap! Siguro dahil narin sa pagod at antok ko mula sa byahe! Wala pa akong pahinga simula kanina!

Jamie POV

"Talaga? You did that for me?" I asked him

"Oo naman, Love! Thankful narin ako kahit paano tulog ka nung nakikipag away ako dun sa mga siraulong lalaki na yun kasi..."  Hindi ko sya pinatapos.

"Kasi? Why? May nangyari ba? Sabi mo nakipagsuntukan ka? Buti nakaya mo sila! Naalala ko tatlo sila eh tapos may dala pang panaksak yung isa! Cid! Dapat hindi mo na sila nilabanan pano kung napano ka! Dapat tumawag ka ng tulong, or inintay mo yung driver mo para may kasama ka or dapat tumawag ka ng pulis!" Hindi ko maiwasang hindi magalala sa kanya. Misan talaga si Cid, padalos dalos sa mga nagiging actions nya. He wasn't thinking about the consequence of his action. Paano kung napahamak sya! Paano nalang kung nasaksak sya nun! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung dahil sakin.

Naiiyak na naman tuloy ako. This is when he held my hand and made me look at him.

"Jaime! I already told you so many times that I will always be here to protect you! I can do everything to make sure na you are safe and happy! I don't care about anything even my own safe, basta masecure ko lang na nasa maayos ka! I can throw everything on the line for you! You have no idea how nerve  wrecking it is when I saw with those scums! Sobrang nagaapoy ako sa galit na wala na akong pakialam kung ano mangyari sakin! Mahal na mahal kita kaya hindi ako makakapayag na gagawan ka ng kahit na sinong tao ng masama!" He seriously said to me, then I felt him caress my face like he is wiping it.

"Don't cry, Love! I'm okay! I'm okay now that you are okay! Don't cry kasi mas masasaktan ako kung nakikita kang umiiyak! Iyan ang pinakaayaw kong makikita from you!" He smiled

"Ang tanging gusto ko lang ay makita kang masaya at nasa mabuting kalagayan! Yun lang ang hiling ko wala nang iba! Mahal na mahal kita, Jamie! Mahal na mahal kita higit pa sa inaakala kong kakayanan kong magmahal! Mahal na mahal!" With that, Cid suddenly let go of my hand and pulled me into a tight hug.

Nagawa ko ring yakapin siya pabalik! Ganun pala ang nangyari. Sobrang nakahinga naman ako ng maluwag kasi tinotoo nya nga yung pangako nya. He will not abandon me! That He will always be here to protect me! Hindi ko alam kung anong gagawin ko if wala sya sa tabi ko! If wala si Cid na nagligtas sakin sa kapahamakan! Ano nalang kaya ang mangyayari sakin pag nagkataon!

Dahil dito mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya. Ngayon magkayakap ulit kami, no more bad memories come to my mind. Siguro dahil narin sa sobrang masaya ako at thankful sa ginawa nya for me.

Whenever he hugs me kasi may mga pagkakataon na bumbalik lahat sakin.
Pero now is different, Very different!

Siguro dahil I feel so secured and loved with his hug.

Thank you talaga, Cid!

Thank you for always being here for me.

"Thank you, Cid ahh! Thank you talaga! Thank you!" Yan lang yung nasabi ko sa kanya habang yakap nya ko, then I felt him tighten his grip on me. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma quilty!

I know Cid deserve more from me! I know he deserves more kaya sobrang humingi ako ng tawad if eto lang muna yung maibibigay ko! But someday I hope I can give more to you!

I just hope kaya ko na!

"Always love! Always!" Nanatili lang kaming ganun.

~~~

Andito kami ngayon sa kotse nya otw sa bahay namin.

Walang nagsasalita samin! Si Cid, eto nakasandal sakin at tulog. Wala daw kasi syang masyadong tulog kasi binabantayan nya ko. Kaya hinayaan ko nalang.

Ako?

Eto nakatingin sa labas ng sasakyan ni Cid. Ang daming tumatakbo sa isip ko!

Si Cid! Sila mama! Sarili ko!

Yung nangyari sakin nung isang gabi, pero ang mas nakakagulo sa isip ko ngayon ay tungkol samin ni Cid. Sobrang naguguluhan na ko! Kaya ko na nga ba talagang suklian si Cid.

I really want to pero kaya ko na nga ba? Di ko parin kasi talaga alam! Aaminin ko, nanatakot akong sumigal tapos matalo! Sa dami ng pinagdaanan ko in the past! Hindi ko alam if kakayanin ko pang sumubok sa ganitong bagay!

I don't know if I can let go of my wall and let someone like Cid enters and disrupt my life entirely. Pero sa kabila ng lahat, Isa lang yung sigurado ako.

Mahalaga sya sakin! Ayoko sya mawala sakin and siguro nga kahit papaano.

Kahit konti! I know! Minamahal ko na sya!

TO BE CONTINUED

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon