Kabanata 28

174 26 2
                                    

Jamie POV

"Talagang hindi mo alam? Sigurado ka?" He is starting to irritates me!

"Oo nga! Jaime! Hindi ko talaga alam! Kaya, please tell me. Hindi yung ganito!"


Hindi na ko nakatiis sumabog ako! As in sabog talaga! Wala na nga akong pakialam kahit marami ang makarinig. Gusto ko lang mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon! Ang galling pa nyang magdeny. Hindi nalang umamin!


"Ang galing mo din noh! Pagkatapos mo kong ligaw ligawan at ipakita sakin yung good side mo. Gawan ako nang kung anong anong pakulo para mahalin kita. Nagawa pa kita ipakilala sa family ko. Tapos ngayong! Ngayon..."


Medyo hindi ko matuloy yung sinasabi ko, sinasabayan na kasi ng iyak yung pagsasalita ko. Pero bahala na nga. wala na rin namang halaga kasi may Aira na sya. Pinunasan ko yung mga mata ko at pinilit magsalita ulit.


Gusto ko nang matapos to!


"Ngayong natutuhan na kitang mahalin. Maghahanap ka nang iba! Kung kelan handa na ko para ipagkatiwala yung puso ko sayo. Hayaan kang tuluyang pumasok at makigulo sa buhay ko! Biglang ganito lang? Oo alam ko mas maganda si Aira. Oo alam ko mas sexy sya! Mas mayaman! Pero Cid naman mahal na kita. Minamahal na kita! Tapos ganito lang? Maghahanap ka ng iba. Bakit ngayon pa! Dapat kung ganito lang din, hindi ka na sana lumapit sakin. Hindi mo na ko pinakitaan ng mga magagandang bagay! Bwisit ka! Ang sama mo! Bahala ka na sa buhay. Magsama kayo ni Aira mo! Bwisit ka! Wag na wag ka nang mag papakita ulit sakin!"


Di ko na kinaya kasi sobrang nasasaktan na talaga ako! Kaya ayun iniwan ko na sya.


Ayun sya naiwang nakatulala, di sya nakapagsalita.

Bahala ka jan! Tuluyan na nga kong umalis sa harap nya. Ewan ko ba pilit ko namang pinipigilan pero hindi ko parin maiwasang hindi umiyak. Iyak tuloy ako ng iyak hanggang makarating ulit ako sa classroom ko.


Tinanong nila Yvonne what happen daw pero wala di ko kayang mag kwento pa. Andito lang ako nakayuko sa upuan ko. Hindi narin sila nag tanong. Sobrang nasasaktan parin ako. Feeling ko ang daming nakatingin sakin ngayon! Ang dami kasi nakakita na umiiyak ako pagpasok ko. Pero di ba dapat masaya ako kasi wala na si Cid.


Wala ng epal sa buhay ko!

Wala ng mangungulit!

Wala ng taong sunod ng sunod sakin!

Wala na sya!

Pero bakit ganun! Bakit sobrang sakit!

Nakayuko parin ako hanggang matapos yung last lesson namin! May part sakin na naghahangad n asana sinundan nya ko! Na suyuin nya ko tulad ng dating nyang ginagawa sa tuwing magaaway kami pero wala eh! Wala sya! Hinayaan nya lang akong lumayo sa kanya!

Siguro nga totoo yung mga hinala ko! Siguro ng totoo na mas mahal nya si Aira or talaga si Aira lang talaga! Pero bakit sya lumapit sakin! Ano yun, try try lang?

Inaantay ko nalang mag ring yung bell para makauwi na ko. I just want to be alone pero laking gulat ko nung biglang may narinig akong maingay na nagmumula sa kung saan!

Teka sino ba to?


Istorbo naman sa pagiyak ko. Umurong tuloy yung luha ko! Ano yun? Tunog ba yun ng gitara?

Tapos narinig kong sinabi ni Connie kung sino yung naggigitara habang tinatapik ako para tingnan kung sino yung tumutugtog.

"Jamie! Andito na ang night and shinign armor mo! Andito na si papa Cid mo! Look muna dali! Jamie! Uy! Jamie!" Paulit ulit akong tinatapik ni Connie.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon