Kabanata 5

291 34 4
                                    

Jaime POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jaime POV

Andito ako ngayon sa gilid ulit ng court, kasama sila Conie and Yvonne.

Newly found friends ko dito sa school. Wala kasi si Cid, ayun busy sa pagprapractice, may laban ata sila next week. Hindi nya alam na nandito lang ako sa gilid ng court, bukod sa I don't want to disturb him. Gusto ko din makasama yung mga newly found friends ko.

Si Conie at Yvonne is blockmate ko sila sa three subjects ko. Sa sobrang focus ko sa pagaaral, now ko lang sila nakilala kahit ilang beses ko na sila naging kaklase. Sobrang nakakahiya nga nung sinabi nila sakin na naging kaklase ko na daw sila pero sadyang may sariling mundo ako, kaya di ko alam.

Nakakatawa pa kung paano ko sila nakilalang dalawa. Actually, magbestfriend sila pero mukha silang kambal. Parehas na parehas kasi sila ng itsura and pananamit pero madidistinguise mo parin who is who kasi may pagkakikay o magaling magdala si Yvonne. Si Connie naman kasi, yes parehas nga sila ni Yvonne pero magkaiba sila ng way kung pano ayusin yung damit nila. Wala rin syang accessories di tulad ni Yvonne.

That day, abala kasi ako that time sa pagbabasa ng libro habang naglalakad ng mabunggo ko si Yvonne, sobrang sorry nga ako noon kasi kumain sya.

So natapon, yung drink nyang dala all over her.

Sobrang taranta ko kasi narumihan yung damit nya, hinubad ko pa yung nakasuot sa wrist kong panyo para ipunas sa damit nya. Akala ko pa magagalit sila sakin kasi sobrang nakakahiya talaga pero iba pala yung magiging reaction nila.

Imbes na magalit ay sinabihan daw ba ako ng cute!

Cute daw ako? Ako? Si Jameson Sandoval, cute?

"Uy ano ka ba okay lang, you don't mean it naman. Magpapalit na lang ako." sabi ni Yvonne

Habang pinipigilan ako sa pagpupunas ng damit nya.

"Yes Girl, it's okay lang ano ka ba!" Sagot din ni Yvonne.

Girl? Mukha ba kong babae para tawagin nilang girl o mukha lang talaga akong lalambot lambot?

"Sorry talaga ahh di ko sinasadya! Grabe mukhang mahal pa naman etong damit mo! Hala anong gagawin ko!" Nakayuko pa ko nyan sa kanila.

"Ano ka ba! Don't worry! Damit lang ito! I can always buy another one! You have nothing worry about!" Nakangiting sabi sakin ni Yvonne

Nahihiya talaga ko! Pero nagulat nalang ako ng yumuko din sila para pilit na tingnan yung mukha ko and sabay sabihing.

"Alam mo girl, you're so cute! Can we be friends? Yes! Right! Let's be friends! Feeling ko magkakasundo tayong tatlo! Super cute mo kasi and alam ko matalino ka din! Bagay ka with us, Cute na matalino pa hindi nga lang kasing talino mo! Alam mo ba dati palang hangang hanga na kami sayo!" Sabi sakin ni Conie na may kasama pang ngiti.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon