Kabanata 10

229 36 2
                                    

Jamie POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Jamie POV

Kahit na anong gawin ko or mismong si Cid, may mga bagay or sitwasyon na hindi maiiwasan. Dumating nga yung pagkakataon na pinakaiiwasan ko!

One time, Ako lang magisa at wala si Cid. Inaway ako nung leader ng fan club nya, aba sinugod daw ba ko sa CR.

Sobrang sikat nya talaga! May fans club ang lolo mo.

"You!" sigaw sakin nung isang girl tapos pinalibutan ako nung iba nyang kasama .

Tatlo sila! Ang lakas naman ng luob nila pumasok sa CR na toh! Panglalaki parin toh, wala ba silang kahihiyan!

"Anong kailangan nyo sakin?" Tanong ko sa kanila. Aalis na sana ako kaya lang, biglang akong tinulak nung isang girl kaya medyo nawalan ako ng balance. Buti nalang malapit ako sa dingding ng CR na ito kaya di ako natumba!

"Haliparot ka! Alam kong makakapal ang mukha ng tulad nyong mga bakla pero hindi ko alam na aabot pala ang kakapalan at kakatihan nyo sa ganito lebel! What's makes you think na pupwede mong landi landiin si Cid namin. Ang kapal ng mukha mo. Golddigger Faggot Bitch! Walang wala ka naman kung ikukumpara samin! Hindi tayo magkatulad!" Sigaw nung nasa gitnang girl, mukhang sya yung leader nila.

Sya kasi yung nasa gitna! Gusto ko silang sigawan at sabihing

"Yes! hindi tayo parehas! hinding hindi! Bakla man ako pero isa akong desenteng uri ng bakla! Hindi katulad niyo na mukha kayong espasol na tinapalan ng sobrang kapal na makeup!" Nasabi ko nalang yan sa isip ko. Ayoko parin naman kasi ng away kaya kinikimkim ko nalang.

"Wala naman akong ginagawa kay Cid ahh, sya yung lumapit sakin hindi ako! Kaya kung may susugudin at aawayin kayo, sya yun hindi ako!" aakma na sana akong aalis, ayokong makipagusap o makiharap sa mga ganito klaseng tao. I can never win against them pero sa kasawiang palad, hinatak nung isang babae yung buhok ko.

Ouch! Ang iksi iksi na nga lang ng buhok ko hahatakin pa nila! Ang sakit! Maikli lang buhok ko pero enough yung haba neto para masabunutan nila ko! Grabe hindi ako pumapatol sa babae pero sa ginagawa nila mukhang hindi ko na mapipigilan sarili ko.

"Aba talagang sumasagot pa! Matapang kang bakla ka ahh! Etong sayo, malandi ka!" Sabi nila yan habang hatak hatak ang buhok ko. Hindi ko alam pero nung mga oras na yun feeling ko namanhid na yung buong katawan ko. Di ko na rin maintindihan yung ibang sinasabi nila! Pagtulungan ba naman ako ng tatlo!

I tried my best to stop myself from fighting back! Naalala ko kasi na scholar ako ng school na ito and isa sa rules ng pagiging scholar ko is never dapat akong makikisali sa gulo. Hinahayaan ko lang sila na gawin yung gusto nila kahit sobrang nasasaktan na ko.

Sabunot! Kalmot! Tulak ang inaabot ko sa kanila! Pakiramdam ko pa ay sira na yung damit ko sa kahahatak nila sakin.

Sobrang nasasaktan ako pero hindi dahil lang sa ginagawa nila, kung hindi dahil narin sa mga bagay na naalala ko dahil sa ginagawa nila!

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon