Chapter 7

1.6K 82 111
                                    

Chapter 7

"What is our largest organ?" bigla-biglang tanong ni Axasiel sa tabi ko.

Napakamot ako sa ulo. Ganito yata talaga ang lalaking 'to, e. Lagi na lang akong ginugulat sa pagtatanong ng kung ano-anong related sa science. Kung hindi magtatanong, magshi-share siya ng bagong kaalaman para sa akin.

"Skin?"

"Correct. How about the larger lung? Is it the right or left?"

"Magkaiba ba ang laki no'n?" Kumunot ang noo ko. "Pero sige... left na lang."

Umangat nang bahagya ang gilid ng labi niya. Ngumuso ako at nagpatuloy na sa pagsusulat sa notebook. Itong teacher kasi namin sa Filipino ay puro pasulat naman ngayon.

"Mas malaki at mas mabigat ang right lung, Asia," aniya. "Right lung is wider and shorter than the left to make space for the liver underneath it. Meanwhile, the left lung is narrower to make room for the heart since it is located in the center of our chest but is flipped to the left. Hence, we can say that our heart sits in the center left."

Nang sinabi ni Ate Izzy na mamaw ang kapatid niya at si Axe pagdating sa acads, napatunayan ko lang iyon nang lumipas ang ilang linggo. Hindi sila masyadong nagre-recite pero kapag natatawag, walang paligoy-ligoy ang sagot at laging tama. Parang naghihintay lang talaga silang tawagin para mailabas nila ang mga bala ng kaalaman na itinatago lang.

Pagdating sa mga nagdaang written quiz, hindi ko inaasahang mape-perfect nila lahat yon. Ang sama nga ng tingin ko sa papel nilang dalawa nang nalamangan ako ng isang puntos sa English. Kaming tatlo kasi ang madalas nag-e-exchange paper kung hindi ang teacher ang magche-check.

Nag-a-advance reading na nga ako ulit nang binigyan na kami ng libro dahil iyon naman talaga ang gawain ko mula noon. Kahit sa room, nagbabasa ako ng mga textbook. Pero silang dalawa, ibang libro ang madalas binabasa.

"Anong libro 'yan, Axe?" tanong ko nang isang beses ay naabutan ko siyang nagbabasa sa recess namin.

Pinakita niya naman sa akin ang book cover ng hawak na libro. "Foundation and Empire by Isaac Asimov. It's a science fiction novel, Asia."

Titulo pa lang, halatang hindi ko na agad maiintindihan. 'Yong may akda, halata ring pangmalakasan na taga-ibang bansa.

"Naiintindihan mo ba lahat ng nakasulat diyan?"

"There are many unfamiliar words and scientific terms I haven't heard of before but I somehow managed to understand most sentences and paragraphs. Kapag hindi ko alam ang term, sini-search ko na lang para mas maintindihan."

Tumango ako. "Kaya siguro matalino ka... kasi pangmatalino ang binabasa mo. Marami tayong kaklase rito na hindi masyadong gusto ang science subject kasi mahirap. Tapos ikaw... parang ang dali lang sa 'yo intindihin ang subject na 'yon."

Napayuko siya nang kaunti at dinilaan ang labi, nakatingin sa akin.

"Hindi nasusukat ang talino ng isang tao sa klase ng libro na binabasa nila, Asia."

"Hmm..." Ngumiti ako. Tama naman.

"At hindi naman ako nadadalian patungkol sa agham. Sadyang tungkol dito lang ako mas interesadong magbasa at mag-aral." Ngumiti rin siya. "Parang ikaw, napapansin ko na pinakaaktibo ka sa klase kapag tungkol sa heograpiya."

"AP kasi ang paborito kong subject. Alam mo ba, last year, kinabisado ko 'yong mga lugar sa labing pitong rehiyon dito sa Pilipinas!" proud kong sinabi.

Tumaas ang isang kilay niya. Isinara niya ang libro at ipinahinga sa kanyang armrest bago niya itinukod ang kaliwang siko sa mesa ko. Amoy Johnson's powder talaga ang isang 'to.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon