Chapter 27

1.2K 71 90
                                    

Chapter 27

Huling araw ng Abril, mag-iisang buwan matapos kong magmartsa patungo sa entablado, nagmartsa ulit ako... ngunit patungo na sa sementeryo... kasama ang parehong tao.

Kung tutuusin, ang buwan na ito ay kabilang sa mga panahon kung saan tag-araw dapat. Tama naman. Umaaraw nga, pero nakikisabay ang mabibigat na patak ng ulan mula sa kalangitan sa pagdaloy ng mainit na luha sa aking pisngi. Ang init ng araw at ang ang lamig na dulot ng ulan ay nagkaroon ng pagtatalo sa pagyakap sa aking katawan. 

I remained like a statue as the never-ending raindrops trickled down from the tip of my hair to the hem of my white dress until they created a small pool underneath my flat shoes. Bumaba ang tingin ko sa braso nang may pumulupot doon na kamay.

Eden's hand was warm despite the fact that it was raining. Hindi namin inaasahan ang pagbuhos ng ulan pagkatapos mailagay ang kabaong ni Papa sa apartment nito kaya ngayon ay pareho kaming basang sisiw. I didn't ask her to stay, but she did... even though we both knew there might be a possibility that we'd get sick.

Kumurap ako at itinaas ang kanang kamay para tingnan ang papel na eroplanong hawak. Written in this paper was my Valedictorian speech that did not have the chance to be heard by my father.

Ipinatong ko iyon sa tapat ng lapida ni Papa, ipinapanalangin na liparin patungo sa kaniya... para mabasa niya kahit iyon ay basang-basa na.

"U-Uwi na tayo," sabi ko kay Eden. "Pagod na 'ko. Baka... baka pagod ka na rin."

Tumingala siya sa langit saglit at napapikit dahil sa pagbagsak ng ulan sa kanyang mukha. She smiled weakly when she returned her eyes on me. 

"Basang-basa tayo. Magko-commute lang tayo, hindi ba? Patuyo muna tayo kahit kaunti? Patilain na rin muna natin ang ulan."

Tumango na lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na kaming naglakad palabas ng sementeryo. Pareho kaming tahimik hanggang sa makarating sa isang maliit na tindahan para sumilong at magpatila ng ulan. Naupo ako sa sementadong upuan pero basa habang si Eden naman ay dumiretso sa tapat ng tindahan.

"Pabili po..." tawag niya. "M-May cup noodles po kayo?"

"Meron. Ano'ng cup noodles? Ilan?" tanong ng tindera.

"Dalawa po. Kung ano na lang po ang flavor na meron kayo basta 'wag po 'yong maanghang. Palagyan na rin po ng tubig—ay, may tubig po kayo?"

"Meron, 'neng. Sixty lahat. May tubig at tinidor nang kasama."

Isinahod ko ang kamay sa tumutulo mula roon sa medyo sirang yero habang pinanonood si Eden na pinipiga ang kaniyang buhok at laylayan ng suot na damit. Nang ibinigay ang cup noodles sa amin ay naghintay muna kami ng ilang minuto bago humigop ng sabaw.

"Paano na 'yan..." Tumingin siya sa akin. "Wala na si Tito. Ang mga kapatid mo na lang ang kasama mo sa bahay niyo. Paano kung... saktan ka na naman nila?"

Bumaba ang tingin ko sa cup na hawak at pagak na natawa.

"Ano ba'ng pinagkaiba noong buhay pa si Papa? Sinaktan na nila ako. Kung gagawin nila ulit 'yon ngayong wala na si Papa, pareho lang ang mararamdaman ko. Sanay na ako, 'di ba?"

"Aspasia Estiana," tawag niya sa pagitan nang tila nanaway na tono at nag-aalala. 

"Maria Credencia," ganti ko at tinapatan ang tingin niya bago pa man siya makapagsalita. "Magiging ayos lang ako, okay? Huwag kang mag-alala. Matagal ko nang kaya ang mag-isa."

Nagkaroon ng hostage taking sa establisyimentong pinagtatrabahuhan ni Papa. As a security guard, his duty and responsibility is to keep everyone in that place safe. Ayon sa pulis na nakausap ko, sinubukang kausapin ni Papa ang taong nang-hostage sa isang buntis na babae. May kasama ang kriminal na dalawa pa at kung paanong nakalusot ang baril sa loob, ang sabi ay may kasabwat na nagtatrabaho sa loob.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon