Chapter 35

1.2K 63 35
                                    

Chapter 35

Dala ni Raghnall ang sasakyan ng kaniyang ate kaya hindi na namin kinailangan mag-commute. Aniya ay hindi naman na madalas gamitin ng Ate niya ang sasakyan na iyon dahil sumasakay na roon sa pag-aari ni Axasiel kaya libre niyang nagagamit.

"Here," I muttered as I handed him three yellow paper bills.

Nasa gas station kami dahil naubusan na ng gas ang sasakyan. May pera akong pang-commute pero nakikisakay pa rin sa kaniya kaya sa tingin ko, dapat lang na makihati ako sa bill ng gas. 

A sign of succumb was released from him through his sigh. Tinanggap niya ang iniabot kong pera at dinagdagan ang kulang nito mula sa kaniyang wallet bago iniabot sa gasoline boy. Ngumiti ako nang matamis sa kaniya nang matapos niyang isara ang bintana.

"You're lucky I forgot to fill the tank up earlier..." 

"Well, that's your fault. Still, hindi mo puwedeng hindi tanggapin ang ambag ko," sabi ko at sumandal na nang maayos sa inuupuan.

Dinala ko ang kamay sa gilid ng mukha at inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod ng aking tainga. Tumulak na rin kami paalis sa gas station.

"Nga pala..." Lumingon ako sa kaniya. "Puwedeng sa bahay ka maghapunan ngayon?"

Patagilid niya akong sinulyapan at ibinalik din agad ang mata sa harap bago tumingin sa side mirror ng pintuan niya.

"Is that why you ordered four meal sets instead of just three?" Tumaas ang kilay niya. 

"Ganoon na nga."

"Ayoko."

Itinupi ko ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Fine. Hindi naman ako ang magtatampo sa 'yo," pangongonsensiya ko.

His bottom lip curled into his mouth, biting it using his upper teeth. 

"Sigurado kang siya lang ang magtatampo?" Matunog ang ngisi na pinakawalan niya. "Baka mamaya ay inirarason mo lang—"

"Hoy!" I swatted his arm and pouted. "Kapal mo, ah? Kung hindi lang request 'yon, hindi naman kita aayain sa bahay!"

Nagtaas-baba ang balikat niya. Mas lalo akong napanguso. Naghari ang mahinang musika mula sa iPad ng sasakyan. Inilabas ko ang aking phone para mag-check ng emails at messages. My forefinger panickedly tapped the mute button in the notification panel of my phone when the series of incoming messages blared after turning on my mobile data.

"Sorry." I smiled apologetically at Raghnall who kept on glancing in my direction.

He tipped his chin up lightly and didn't say anything. I browsed through my inbox and replied to some important and urgent emails that needed my respond. Iyon lang ang ginawa ko hanggang sa natanaw ko nang malapit na kami sa bahay.

I slipped my phone into my bag as the car pulled on to a stop in front of our gate. Tinatanggal ko pa lang ang seatbelt ko, nakalabas na agad si Raghnall ng sasakyan at mabilis na umikot sa harap at tumigil sa tapat ng pintuan ko. He opened the door widely and took the paper bags from me before I hopped out of the car.

"Thank you."

Umugong agad mula sa likod ng gate namin ang tahol ni Wacky at ang ginawa nitong pagtalon sa gate. Humalakhak ako at lumapit na sa gate para buksan iyon pero hindi lang siya ang bumungad sa akin.

"Mama!" my 2-year old daughter with high pigtails squealed and hugged my legs upon seeing me. "Home na si Mama!"

My mouth ripped from smiling as I squatted in front of her and put my hands on her underarms. I unbent my knees as I lifted her from the ground and she immediately anchored her short arms around my neck, showering my cheek with her wet kisses.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon