Chapter 28

1.2K 65 42
                                    

Chapter 28

Umiling ako at yumuko. Tinabunan ko ang mga mata ng aking kamay at nanginig ang balikat.

"Tama na, tama na..." iyak ko habang patuloy sa pag-iling at pagpupunas ng mata. "M-matalino ka naman, 'di ba? Siguro naman... alam mo na ang puso ng tao ang isa sa mga importanteng organ para mabuhay tayo..."

I finally lifted my head to face him again. Nakatitig lang siya sa akin at hindi ko mabasa ang kung ano mang sinasabi ng mga mata niya.

"So, please... stop playing with my heart. Hindi naman laruan 'to, e. Ito na lang ang meron ako kaya nabubuhay pa ako." Humikbi ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "I'm up for any games but not when my emotions are involved. Not when you're involved..."

He remained mute while I pettily cried in front of him. Para bang hinihintay niya lang na sabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. 

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami niyang ginawa para lang masaktan ako, ang lakas pa ng loob niyang sabihin ang tungkol sa pangakong sinabi niya noong mga bata pa kami. I couldn't even remember his exact words that time. Or mine. Basta ang alam ko lang, hangga't nasa akin 'yong ibinigay niya sa akin noon, pakakasalan niya raw ako.

Pero wala na sa akin.

It was a foolish childhood promise, wasn't it? Pero ako naman, sa paglipas ng ilang taon, ginusto rin. Ginusto ko rin siya. But when I asked him that day if he'd want to marry me, he declined. And it was okay. I got hurt, but I probably got over with it. Ang hindi ko lang matanggap ay 'yong mga ginawa niyang pananabotahe sa akin at ang mga salitang natanggap ko mula sa kaniya na bumugbog pa sa puso ko nang sobra.

My chest vibrated as I gasped for some air. Kahit alam kong basa na ng ulan at luha ang mata ko, muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya. I swallowed hard as I collected all my courage to speak up again for myself.

"Wala na akong panahon marinig mula sa 'yo ang mga bagay na pinag-usapan natin noon na ikaw rin mismo ang sumira. Wala na akong panahon para makipaglaro," mahina ngunit desidido kong sinabi. "Wala na akong panahon para sa 'yo, Raghnall. Kaya kung puwede lang, huwag mo na akong... kausapin o lapitan pa."

His head bobbed a little. "I understand," he said impassively.

I chuckled, both amused and hurt. For all the bad things that he did to me, I've never heard him apologize. At ngayon na bumalik siya at kinausap ulit ako, wala pa rin akong narinig. He was built like the great Albert Einstein—an apathetic. At kapag tinanggihan siya, hindi niya naman pinipilit ang sarili.

"Yeah." Tumango rin ako. "I guess—"

"But I have hurt you. That means... I must find a way to atone for all the wrongs I did."

Natigilan ako. Akala ko ba...

Pero sandali. Ibig sabihin ba ay umaamin na siya sa mga ginawa niya? Hindi man direkta pero ganoon na rin iyon.

"I'm not going to vindicate myself to you... or anyone. But I'm willing to be your..." Natigilan siya at tila nag-isip pa. "slave... as a penance for emotional damage I've caused you."

Kumunot ang noo ko at naguguluhan na lalo ngayon. Ano ba talagang problema ng isang 'to at ginugulo pa ako ngayon? Sige, umamin na nga siya sa ginawa niya, albeit indirectly, pero bakit may paganito pa siyang sinasabi?

He's going to be my slave to repay all his wrongdoings? Bakit? Nakokonsensiya na ba siya sa mga ginawa niya at tingin niya, ito ang paraan para makabawi sa akin?

Umiling ako sa kaniya at tatanggi na sana nang kunin niya ang kaliwa kong kamay para ipahawak ang payong. I watched him as he carefully took off his jacket and came closer to me. Nanlaki ang mata ko at bahagyang napaliyad patalikod nang ilagay niya ang dalawang braso sa gilid ko para lang ipatong ang jacket sa balikat ko mula sa likod.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon