Chapter 22

1.1K 70 47
                                    

Chapter 22

He didn't seem shocked nor offended with my answer. Iyon naman kasi talaga ang sinabi ko kay Ate Izzy pero... hindi iyon ang totoo. At alam na ni Raghnall mismo ang totoo dahil matagal na akong umamin sa kanya. Hindi nga lang direkta.

Tumango siya at nag-iwas ng tingin. Hindi na ulit kami nag-usap matapos no'n hanggang sa umakyat na rin kami ng building namin. Bubuksan niya na sana ang pinto nang napahawak ako sa manggas ng uniporme niya.

His eyes trailed down to his sleeve and my hand.

"S-sorry." Inalis ko rin ang kamay sa damit niya. I garnered all my courage as I took in a deep breath. "Ang totoo niyan, g-gusto—"

"Don't," he sliced me off abruptly. "Don't say it now. I don't wanna hear what you're going to say."

Nanigas ako sa kinatatayuan.

"Oh." Pumait ang panlasa ko at nanginginig ang labi nang ngumiti. "Okay... Sorry."

Ang araw na iyon na siguro ang pinakamalungkot na araw sa akin ngayong taon. Hindi ko naman minasama ang sinabi niya pero mukhang hindi ko rin iyon makakalimutan. 

He didn't went to our house when I invited him over for my simple birthday celebration but he still greeted me through his gift. Although, Ate Izzy came into our house to give me her gift. May dala siyang pagkain na niluto raw nila ng Mama niya at cake at cupcakes na gawa ni Ate Harley na ayaw ipasabi na siya ang may gawa. Dalawa tuloy ang cake ko sa araw na iyon.

Nag-imbita lang ako ng malapit na kaibigan tulad ng dati dahil naghanda mismo si Papa. Tumulong pa nga si Eden sa pagluluto kay Papa dahil hindi ako masyadong maaasahan sa kusina. Prito lang talaga ang alam ko, e.

"Hay, grabe. Busog na busog ako sa handa mo, ah!" si Eden pagkaupo sa sofa namin. "Tingnan mo 'yong tiyan ko, parang buntis na!"

Kaaalis lang ng mga bisita namin at naiwan si Eden tulad ng lagi niyang ginagawa. Humahagikgik siya habang hinihimas ang tiyan na animo'y buntis daw.

"Si Cherry, ayaw kumain," sabi ko sa kanya. "Pakainin mo nga. Tamlay niya, e."

Napatayo siya sa kinauupuan at napahawak sa balakang. "Lah! Oo nga, nasaan na ba si Leche? Baka nagtatampo 'yon!"

"Nasa kuwarto ko."

Pumasok naman siya sa kuwarto namin ni Ate Coleen. Ako naman, nagsimula nang magligpit ng pinagkainan sa mesa rito sa sala.

"'Nak, lika muna rito dali," ani Papa na nakangiti nang malawak sa akin. "May ibibigay ako sa 'yo. Mamaya mo na iligpit 'yan."

Nangiti ako at ibinaba na muna sa mesa ang mga hawak bago lumapit sa kanya.

"Ano po 'yon, Pa?"

Hinawakan niya ako sa likod para papasukin sa kuwarto niya. Pagkasara niya ng pinto ay dumiretso siya sa kama at may kinuha sa ilalim nito. Lumapit naman ako at pinagmasdan ang parihabang kahon na naka-gift wrapper. Umupo siya sa upuan at tinapik ang tabi niya.

"Buksan mo rito, anak," nakangiti niyang wika.

Excitement filled in my heart. Kahit hindi ko pa nakikita ang laman ng kahon ay tuwang-tuwa na ako. I giddily sat next to him before he placed the box on my lap. Maingat kong pinunit ang wrapper hanggang sa lumitaw ang brown na box. Medyo mabigat iyon. May kasama ring mas maliit na itinabi ko muna.

Kinuha sa akin ni Papa ang wrapper habang nakatingin ako sa 'hp' na nakalagay sa bandang gilid ng kahon sa ibabaw. Ngumuso ako nang bigyan niya ako ng maliit na cutter para buksan mula sa gilid.

Unti-unting umawang ang labi ko nang mabuksan iyon. Hindi ako pamilyar sa pangalan kanina pero nang nakita ang laman, sigurado na ako kung ano iyon. Uminit ang sulok ng mga mata ko nang nilingon si Papa.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon