Chapter 38

1.1K 50 16
                                    

Chapter 38

"H-how... oh my..." Nakatitig lang si Ate Izzy kay Luvia na ngumingiti sa kaniya. "How could you hide this adorable girl from us, Ral? Oh my gosh! She has dimples, too! But she's cuter than you, Ral!"

Ate Izzy's sudden appearance completely knocked me down with a feather. Nakaupo siya ngayon sa isahang couch at sa gilid niya ay nakatayo si Axasiel na kanina pa nanghihingi ng tawad ang mga mata habang nakatingin sa akin. Meanwhile, Luvia was sitting in between Raghnall and I. Nasa kandungan ng anak ko ang kaniyang alagang tuta. 

"Thank you po!" si Luvia na malamang ay nagpapasalamat lang dahil narinig ang salitang 'adorable' at 'cute'.

Tinuturuan ko naman ng ingles si Luvia pero ang gusto ko, mas mauna niyang magamay ang pagsasalita ng tagalog. Sariling wika muna bago ang banyaga.

Natakpan ni Ate Izzy ang kalahati ng mukha gamit ang dalawang kamay. Parang naluluha pa ang mga mata niya. May inabot na panyo si Axe sa kaniya pero tinapik niya lang ang kamay nito at inirapan. Ngumuso si Axe.

"W-What's your full name, baby girl?" she asked my daughter.

"Wuvia Echensa po," Lulu answered in a syllabic manner.

"Uhm, it's Luvia Escenza, Ate Izzy." I smiled a bit. "She's two years and five months old."

"Luvia... Es-chen-za?" ulit niya sa tamang pagbigkas ng pangalan ni Lulu. "It sounds like how Raghnall's first name should be pronounced. Vin-chen-zo. Pero laging Vin-sen-zo ang basa ng iba at hindi man lang tinatama ng kapatid ko."

Vin-sen-zo rin ang unang basa ko roon. Noong papangalanan na namin si Lulu, saka niya lang binanggit ang tamang pronunciation ng sariling pangalan dahil nag-iisip ako ng puwedeng combination ng name namin. Tinama niya ako. Ang dahilan niya, ayos lang na Vin-sen-zo ang basa sa pangalan niya dahil nasa Pilipinas naman.

"Ate," sa wakas ay nagsalita na si Ral. "How did you even get here?"

Hindi naman na namin maitatago pa si Luvia kay Ate Izzy. Huling-huli pa kanina sa akto na tinatawag na "Papa" ni Lulu si Raghnall, e. I know that we would have to tell them the truth about Lulu in no time but not when I didn't even prepare my speech.

Speech? Explanation rather. 

"Siyempre, sinundan kita. Duda ako nang nasagot ko 'yong tawag sa 'yo noon tapos bumungad ang bata at naghahanap ng Papa. Sinong Papa 'yon? Si Papa natin? Takot lang niya sa amin ni Mama at may iba't ibang size tayo ng kutsilyo sa kusina, 'no," si Ate Izzy na lumilipad pa sa ere ang mga kamay.

Kitang-kita ang pagpipigil ng ngiti ni Axe sa sinabi ni Ate Izzy bago siya naupo sa armrest. Nilagay ko ang kamay sa magkabilang tainga ni Luvia nang napansin kong bibirada na naman si Ate Izzy.

"Kung hindi pa kita minamatyagan sa bahay, hindi ko pa malalaman na may anak ka nang bata ka—" Ate Izzy scowled at the mention of 'bata'. "And you said you don't have a girlfriend. At wala ka ring nililigawan! Tapos... walang hiya kang bata ka, nakagawa ka na pala ng bata! Inunahan mo pa ako!"

Napaubo si Axasiel sa tabi niya at napatayo ulit bago napakamot sa ulo. Si Luvia naman ay tumingin sa akin gamit ang mga nagtatanong na mata. I just smiled at her. 

"Ate, can we please let's talk about it in our house instead?"

"Talagang pag-uusapan natin sa bahay 'to, Raghnall," ngayon ay seryosong pahayag ni Ate Izzy bago tumayo. "I'll go home now and tell our parents about your child with... with this Bella!" Itinuro niya ako.

Me? Bella? 

Tumayo si Raghnall at humarap sa kaniyang kapatid. "Ate, you can't do that without asking for Asia's approval. If she doesn't want—"

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon