Chapter 13

1.3K 82 105
                                    

Chapter 13

"Bakit ganito makatingin sa atin ang mga kaklase natin? Feeling ko jina-judge na nila agad tayo, e," bulong ni Eden sa akin.

As usual, nagpapaunahan pa rin kaming makapasok sa school kahit pa ngayong nasa MIDAS na kami nag-aaral. Kami nga ang nauna sa classroom namin at doon talaga kami sa likod pumuwesto muna. Wala ngang tumatabi sa akin. Ngayong nagsisidatingan ang mga kaklase namin, pinagtitinginan naman kami.

"Baka tayo lang ang bago? Magkakaklase na sila last time?"

Lumabi siya. "Sana kaklase natin sina Axe at Ral. O kahit isa lang sa kanila para naman may kakilala tayo."

I was hoping for that, too. Hindi tulad sa public school na binabase sa grade ang section ng estudyante (lalo na sa star section), dito naman ay base raw ang section mo sa kung kailan ka nag-enroll.

Eden and I are late enrollees and also transferees so I assumed that we're in the last section. If not the last, then maybe the section before that. Wala namang kaso sa amin iyon basta maayos magturo ang magiging teachers namin.

"Kain muna tayo," aniya at nilabas ang dalawang pamilyar na purple pack.

Namilog ang mata ko at agad kinuha ang isang Nooda Crunch na may ngisi sa labi.

"Nabili ko 'yan doon lang sa katabi naming tindahan. Sayang nga at walang blue. Iyon pa naman ang gusto ko."

Dinurog ko agad 'yong Nooda Crunch kahit hindi pa nabubuksan. "Mas masarap kaya 'tong cheese kesa sa barbeque. Feeling ko kinakain kita. Keso!" I chuckled.

"Yuck." Nginiwian niya ako. "Bawiin ko 'yan, e."

Pinukpok niya nang mahina ang Nooda Crunch niya sa kanyang mesa para madurog. Napatingin naman ako sa taas ng pader sa bandang kanan niya kung nasaan ang aircon. Kanina ko pa talaga gustong pahinaan iyon dahil nilalamig ako at sa amin pa nakatutok. Hindi ko lang alam kung paano at baka may magreklamo.

Three-fourth naman ang haba ng manggas ng uniform namin at may necktie kami. Kaya lang, masyadong maikli para sa akin ang palda. Kalahating dangkal ng kamay ko ang taas ng laylayan nito mula sa tuhod. E, 'yong palda namin sa public, hanggang ilalim ng tuhod ko.

Wala naman ako masyadong problema sa haba ng palda pero hindi gusto ni Eden dahil sa ikli nito. Magaslaw kasi siya kapag nakatayo at nakaupo. Ako naman, nilalamig lang. Dapat pala ay nagdala ako ng jacket. Hindi ko naman alam na ganito pala kalamig dito sa room. O baka hindi pa lang kasi ako sanay.

Nakanganga pa ako habang nakatingala dahil binubuhos ang noodles sa bibig nang may narinig akong tili. Ngumunguyang nilingon namin ni Eden ang isang babaeng kapapasok lang.

"OMG girls! Classmate natin 'yong kapatid ni Kuya Aji! You know? The tall, intelligent, and chinito one!" she blurted out.

"Holy shit. Kung hindi na puwede kay Kuya Aji, doon tayo sa kapatid!"

"Dane, are you fucking serious?"

"Damn fucking serious!" Tumili ulit ang tinawag na Dane. "And guess what? He's with his friend, too! Classmate natin pareho! Oh my God!"

Nagkatinginan lang kami ni Eden at nagkibit-balikat. 'Di naman namin kilala ang tinutukoy nila.

"Kapag guwapo talaga ang transferee, bilis ng balita at pinagkakaguluhan agad," aniya.

"Sus. Hayaan mo na sila. Ganoon ka rin naman noong nag-transfer sa atin sina Ral at Axe."

"Ba't kapag sa atin, jina-judge look tayo?"

"Hindi naman tayo pogi, e."

"Kunsabagay. Ang sexist naman. Hindi bale, sexy naman tayo."

Mayamaya, may isang kaklase kaming babae na pumunta sa harapan para patahimikin ang lahat. She's tall, has a long and straight black hair, and she wears a thick-rimmed eyeglasses. Mukhang matalino.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon