Chapter 16

1.3K 71 55
                                    

Chapter 16

"Sinaktan ka na naman ng kuya mo?" galit na tanong ni Papa nang makita niya kinabukasan ang mukha ko.

Kinagat ko ang aking labi at yumuko na lang. I couldn't hide the bruise on my cheekbone caused by my brother's slap. 

"Putang ina niyang Kuya mo. Humanda sa akin 'yan mamaya..."

"Pa..."

Hinampas niya ang mesa at umigting ang panga. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kamao niyang halos maglabasan na ang ugat sa diin ng pagkakatikom.

"Sumusobra na 'yang mga kapatid mo, Asia! Hinahayaan ko lang sila sa gusto nilang gawin sa mga buhay nila pero 'yang paulit-ulit kang sinasaktan? Malilintikan na 'yang kapatid mo!"

Ngayon lang ako nagdalawang isip kung papasok ba ng school o hindi muna nang hindi dahil sa kahit anong sakit. Ayokong maiwan dito sina Papa at Kuya dahil baka kung anong mangyari sa dalawa. Ngayon ko lang harap-harapang nakitang magalit at magmura si Papa dahil sa galit.

"Tapusin mo na 'yang almusal mo at ihahatid kita sa school mo." 

Tumayo siya pagkatapos habang ako, tiningala naman siya. 

"Pa, huwag mo na pong saktan si Kuya," pakiusap ko. "Lasing lang—"

"Lasing? Ang sarap ng buhay niyang Kuya mo, e. Painom-inom na lang? Wala na talagang pakialam sa buhay? Ni hindi marunong maghanap ng trabaho! Tapos pag-uwi, pag-iinitan ka?!"

Natahimik ako. Hindi na ako nagsalita dahil baka lalong sumabog sa galit si Papa. Tinapos ko ang pagkain at nagbihis na ng damit. Hinatid niya rin ako sa school pero hanggang sa may entrance gate lang ako sa loob 

I waited for more than fifteen minutes before I went outside the school again, telling the guard that I forgot something. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag habang nag-aabang ng jeep na dadaan sa direksyon ng bahay namin. Itinaas ko ang kamay para parahin ang parating na jeep at napasulyap sa gate ng aming school.

Bahala na... ngayon lang naman. Isang absent lang naman kung sakali...

Hindi ako bumaba sa tapat mismo ng bahay namin. Mula sa pinakamalapit na kanto sa amin, naglakad ako pabalik sa bahay. Naabutan kong nakabukas ang gate at pinto namin. Nanginig ang balikat ko nang marinig ang kalabog sa loob. Tumakbo ako agad papasok ng gate at narinig ang sigaw ni Papa.

"Tarantado kang bata ka! Wala ka na ngang kwenta rito sa bahay, sinasaktan mo pa ang ading mo! Anong klaseng kapatid ka?!"

Saktong pagbukas ko nang pinto ay nasuntok ni Papa si Kuya Rey na nakahandusay na sa sahig at hawak ang bibig. Tumili ako at agad naiyak sa nakita.

"Putang ina ka! Wala kang kwenta!" sigaw ni Papa habang dinuduro si Kuya.

Tumakbo ako habang umiiyak papunta sa harap niya nang umamba siyang lalapit at sasapakin ulit si Kuya. Niyakap ko siya sa baywang habang humahagulgol.

"P-Papa! Tama na po, please! P-Pa, please... tama na po! T-tama na po! Hindi na lumalaban si Kuya, Papa. Tama na po..."  

Parehong nanginginig ang katawan namin. Ako dahil sa pag-iyak at siya dahil sa galit.

"Anak ng... Asia?! Hindi ba't kahahatid ko lang sa 'yo sa eskuwela!" 

Nilingon ko si Kuya na putok na ang kilay at labi na may kasama pang dugo.

"Kuya... umalis ka na muna, please. Umalis ka na po muna!"

He was too stunned to react for a couple of seconds. Tumingala siya at kita ang sakit sa mga mata nang tingnan ako. Parang dinaganan ang dibdib ko at mas lalong naiyak.

Save to Heart (Student Series #2)Where stories live. Discover now