Chapter 36

1.2K 57 28
                                    

Chapter 36 

I always believe that when He created us, He had already planned our life. Subalit naniniwala rin ako na isinama Niya sa tadhana natin na gumawa tayo ng sariling hakbang patungo sa itinakda Niyang katapusan. He knows that the people will create their own path and journey because He made us this way. 

All the decisions in our life are solely lying in our hands with Him guiding us. He will let us fall so many times until we realize that we are walking on the wrong path. 

He knows when to redirect us if our decisions are going to wreck us. 

And I am more than gratified that Luvia did not wreck me. Instead, she helped me build up into someone I never had when I was her age—a mother.

"I know you still have lots of things to do tonight," panimula ko. "Gawin mo na kung dala mo ang mga gamit na kakailanganin. Or if you wanna go home, ayos lang naman din. Tulog naman na si Lulu."

Wala pang limang minuto nang mahiga kanina ang anak ko ay nakatulog na nang tuluyan. Tinanggal ko lang ang kamay niya sa dibdib ko pagkatapos ng ilang minuto pa bago umalis sa kama. Nakita kong hinalikan ulit ni Ral sa noo si Lulu bago umalis din sa kama. Inayos niya ang kumot ni Lulu at nilagyan ng unan ang magkabilang gilid nito.

I walked toward my working table and drawing out my chair to sit on. As I turned on my computer, I swiveled my head in his direction as he approached me. Tumigil siya sa gilid ko, nakapatong ang braso sa likod ng swivel chair ko.

"Work or school?" he calmly asked.

"Work. Wala naman na masyadong pinagagawa dahil katatapos lang ng exam," I replied and looked up at him. "Nagpaalam ka na bang dito ka matutulog o... uuwi ka?"

Yumuko siya para pagmasdan ako. He's too tall with our position that I'd be having torticollis if I continue to tilt my chin upward for a little longer.

"Would you really let me stay here tonight?" 

"Kung may gagawin kang wala rito sa bahay—then you must go home, Ral," mungkahi ko. 

"I'll stay for tonight, then," aniya, may pinalidad sa boses. "Kukunin ko ang gamit ko mula sa kabilang kuwarto at dadalhin dito para matapos ang kayang tapusin. Do what you have to do while I do mine."

"Alright..." Tipid akong ngumiti. "You can use this space beside me. Malawak naman."

Itinuon ko na ang pansin sa screen at hinawakan ang mouse. I heaved out a sigh when he removed his arm behind my chair and marched away from me. Nang narinig ang pagbukas-sara ng pinto ay saka ako nagsimulang ayusin ang pupuwestuhan niyang mesa.

Mahaba kasi ang gamit kong table dahil ang kanang side kung saan ako nakaupo ngayon ay katapat ng screen. Samantalang sa kaliwa ko ay nakapatong ang ilang libro, pencils, ball pens, at kung ano-ano pang abubot para sa school at trabaho. Mas malawak at malinis ang working space, mas nagiging productive ako. Isa pa, siya naman mismo ang gumawa at nagdisenyo nito.

Bumalik si Ral sa kuwarto ilang sandali ang nakalipas. Binuhat niya ang upuan sa tapat ng vanity table ko at dinala sa tabi ko. He only brought his laptop, some books and notebooks.

"Ral..."

"Hmm?" Humarap siya sa akin habang binubuksan ang laptop.

Umiling ako. "Wala."

We immersed ourselves in our own work. Ako, sa trabaho. Siya, sa kung ano man ang dapat niyang tapusin. Napaisip tuloy ako kung saang program ang ginagawa niya ngayon. Our university offers a dual degree and dual major program and Raghnall took that as an opportunity to take on the former. 

Save to Heart (Student Series #2)Where stories live. Discover now