Chapter 11

1.4K 73 66
                                    

Chapter 11

"Magpapangalan ka na nga lang ng sisiw, Mik-mik, Hany, at Potchi pa. Napaghahalataan naman na diretsong tinola agad 'yang mga sisiw mo," tawa ni Eden nang sabihin ko iyon sa kanya.

Ngumuso ako. "Hindi ko sila iti-tinola, ah! Wala nga rin akong balak ibenta sila, 'di tulad mo!"

"Hoy!" Hinampas niya ang mesa ko habang nakaharap sa akin. "Dalawa lang ang mabuting pakinabang ng sisiw kapag naging manok sila. Patayin mo para may makain o ibenta mo para magkapera!"

Suminghap ako. "That's animal cruelty!"

Lumipad ang kamay niya sa likod ng ulo ko. Bumagsak ang balikat ko habang hinihimas ang sinapak niya.

"Animal cruelty ka diyan! Sige nga? Kung hindi mo kakainin o ibebenta kapag naging manok sila, anong gagawin mo sa kanila?"

Tumingin ako sa kisame ng room namin para mag-isip.

"Nag-isip pa talaga..." bulong-bulong niya.

Inirapan ko nga siya. Ang liit liit pa nina Mik-mik, Hany, at Potchi tapos gusto niya nang kainin o ibenta. Grabe siya. Bakit may kaibigan akong walang awa sa hayop?

"Ay, talagang nag-iisip pa nang malalim," sabi niya na tumatawa pa.

"Ah, basta. Wala akong balak kainin sila o ibenta. Bad 'yon."

"What's bad?"

Napalingon ako sa likod nang marinig ang boses ni Ral. Dala pa niya ang bag at tamad na nakayuko sa amin. Natatakpan ng magulo at basa niyang buhok ang kanyang noo.

"Wala—"

"Pinangalanan niya ng Mik-mik, Hany, at Potchi 'yong bigay mong mga sisiw!"

"Denden!"

Nagparte ang labi ni Ral at umiwas ng tingin. Kinagat niya ang ibabang labi at napahawak sa tainga bago napailing.

"Cute naman ng name nila, 'di ba?" tanong ko sa kanya.

"Pangit!" ang epal na keso.

Hinarap ako ni Ral at doon ko nakita ang tila natatawa niyang ekspresyon.

"Yeah, I guess?" He chuckled softly. "Ate Izzy even named her chicks Adobo and Tinola."

Humagalpak na sa tawa si Eden at hinampas-hampas ang braso ko. Raghnall shrugged his shoulders before he headed toward his seat. Wala namang nakakatawa roon sa sinabi ni Ral, ah? Pangit ba 'yong pangalan?

"Ginawa na agad ulam ni Ate Izzy kahit sisiw pa lang! Hay, jusko! Ewan ko sa inyo!"

We got so busy reviewing the following weeks for the quiz bee this year. Pare-pareho lang naman ang mga kasama ko at malamang na hindi mawawala sina Ral at Axe. Geek Duo na nga ang tawag ko sa kanila dahil hindi 'yan mapaghiwalay pagdating sa mga academic competition at parehong matalino.

I could confidently say I'm better at them when it comes to general knowledge, specifically if it's related to geography. Kung hindi lang 'to quiz bee at iba ang kalaban namin, malamang nakataas na agad ang noo ko sa kanila dahil sa sobrang kampante ko sa mga sagot.

Ako lang 'to.

"Grabeng mga utak 'yan! Hakot gold medals?!"

"Congrats sa inyo! May quarterly exam pa po tayo! Sana kaya pa ng utak."

"Pa-Jollibee na 'yan!"

Hindi ko alam kung sino ang nagpasimuno no'n, pero nagulat na lang kaming lahat ng kinabukasan, may nag-deliver nga ng Jollibee sa room namin. 'Yong Mama yata ni Axasiel ang nang-treat nito sa buong klase. Jolly spaghetti, 1 piece chickenjoy with drinks bawat isa.

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon