Chapter 9

1.4K 75 86
                                    

Chapter 9

Two years later, Raghnall and Axasiel overtook my consistent rank as the highest honor in our class. I have considered them as my academic rivals since our 4th Grade, and they have been effortlessly and alternately taking the first spot.

Pinagbigyan lang yata nila ako noong first grading nang Grade 4 kami bilang huling beses na first honor ako. Dahil sa mga sumunod na grading at grade level hanggang ngayon, papalit-palit na lang sila sa 1st rank. Samantalang ako, hanggang 2nd o 3rd na lang, depende kung sino sa kanilang dalawa ang hindi nangunguna.

Hindi naman masama ang loob ko. Hindi talaga.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Raghnall sa tabi ko. Mula sa test paper na halos malukot na dahil sa pagkakahawak ko, umangat ang tingin ko sa kanya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"

Kinagat niya ang ilalim na labi pero may nanunuyang ngisi pa rin. Nagpangalumbaba siya sa kanyang mesa habang nakatitig sa akin.

"Wala naman. Iniisip ko lang kung ibabalik mo pa sa akin ang test paper ko nang hindi napupunit."

Umirap ako at inilapag na ang papel niya sa kanyang mesa bago pinlantsa gamit ang kamay roon sa bandang nalukot. Kinukumpara ko kasi ang mga sagot naming dalawa at ch-in-eck dahil baka may maling natsekan sa papel niya. Lamang kasi siya ng dalawang puntos sa akin!

"Hmm. May nahanap ka na bang mali? You know, I don't trust my checker unless it's you," aniya, halatang nang-aasar. "Alam mo namang sa 'yo ako mas maniniwala, hindi ba?"

"Will you also check mine for the third time, Asia?" ani Axasiel sa harapan ko at inilapag ang kanyang papel sa mesa ko. "I don't trust my checker either..."

"Ako kaya ang checker mo!"

He chuckled. "Well... you tend to check our papers three or so times. Dalawang beses mo pa lang nakikita ang papel ko. Samantalang kay Ral, limang beses na."

"Tatlo pa lang. Grabe ka naman."

Nag-init ang pisngi at tainga ko. Matalim ko silang tiningnan habang nakahalukipkip. Raghnall pouted his lips and looked away, drumming his fingers against his armchair. Tumalikod naman na sa akin si Axe na nakaupo sa kaharap kong upuan.

"Math at Science kasi 'yan kaya lamang talaga kayo sa akin. Tingnan niyo mamaya, siguradong mas mataas ang score ko sa ibang subject. Lalo na sa Filipino, AP, English, at MAPEH!"

Ral shrugged his shoulders. "Sure."

Lunch break noong ipinatawag silang dalawa ni Axe para sa meeting ng Supreme Pupil Government. Apparently, Raghnall was the duly elected president. Secretary naman niya si Axasiel.

Ibinigay sa akin ni Ral ang isang pack ng Chips Delight bago sila umalis ng room. Si Eden naman ay pumuwesto agad sa bakanteng upuan sa tabi ko dala ang kanyang baunan.

"Ano ulam mo?" ang bungad niya agad.

"Itlog saka hotdog lang."

"Puro ka itlog at hotdog."

"Pake mo? Ako naman nagluluto. Ikaw nga puro de lata," sabi ko.

"Pake mo rin? Ako naman bumibili sa tindahan." Sabay irap niya at tawa.

Bubuksan niya na sana ang baunan ng tinawag ni Sir Valdez ang pangalan ko mula sa likod. Naroon kasi ang table niya.

"Kumakain ka na ba? Magpapabili sana ako ng ulam sa labas," aniya nang lumingon ako.

"Uh, hindi pa naman po." Tumayo ako at lumapit sa puwesto niya. "Ano pong ulam, Sir?"

Iniabot niya sa akin ang fifty pesos na buo. "Monggo tayo ngayon dahil Lunes. Wala nang kanin. Sa 'yo na ang sukli."

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon