Chapter 39

1.3K 57 36
                                    

Chapter 39

The kitchen survived from a catastrophic disaster. May kuwenta naman si Raghnall sa kusina. Kaunti nga lang. Dumating din si Eden sa gitna ng pagluluto namin kaya siya na ang tumulong sa akin. 

Nakatulog si Lulu nang umakyat ako sa kuwarto at nang ginising ko para sabay na sana kaming maligo, bigla namang umiyak. Nananaginip na raw kasi siya na kasayaw si Jabee na binigyan siya ng getty.

"'Di na makapag-Jabee getty si Wuwu sa susunod kasi kumain na siya kanina tapos..." Hindi niya na natapos dahil  humahagulgol na.

Kawawa naman ang baby. Ayoko nang tawanan kahit gusto ko nang gawin dahil baka lalong umiyak. Pinipigilan ko na lang na hawakan niya ang mata dahil may sabon ang kamay niya. Tumigil naman siya nang natapos kami sa pagligo kaya nabihisan ko na rin nang hindi kami nagwre-wrestling.

"Mama, kapag 'di po biwog si Biwog, ang name niya pa rin po ba ay Biwog? 'Yong mukha ko Mama, biwog din, e. Ba't hindi po ako si Biwog? 'Di po puwede same kami ni Biwog ng name? Pero Mama, ako wang ba po ang may Wuvia na name o may kapareho ako? Ayoko po may kapareho para isa lang si Wuwu, Mama."

I wonder if I was this talkative when I was her age?

"Opo."

"Ohh..." Tumango-tango pa siya, kuntento na sa sagot ko kaya todo pigil ako ng halakhak.

Terno kami ng suot ni Lulu. It's a mocha A-line button down dress with sheer puff sleeves. Ang kaniya nga lang ay may dalawang bulsa sa magkabilaang side sa harap kung saan ngayon ay nilalagyan niya ng kung anong pagkain ang binili ng Tita Denden niya para sa kaniya.

"Baby, mamaya kapag may bisita tayo, ano'ng gagawin mo po?" tanong ko nang natapos siyang talian ng buhok. "Sina Tita Izzy mo ang pupunta kasama ang parents nila ni Papa Ral mo."

"Bwess and kiss po?" Kinuha niya ang kamay ko at idinikit sa noo niya ang likod nito bago ako hinawakan sa magkabilang pisngi at matunog na hinalikan sa lips.

I giggled. "Baby, sina Tita Izzy at Lola mo lang ang iki-kiss mo sa lips, okay? Si Lolo, sa pisngi lang."

"Sino po ba siwa? Wowo at Wowa."

"Parents nga po nina Ate Izzy at Papa Ral mo. Parang si Nanay Maggie mo. Parang lola mo na rin siya kasi nanay siya ng Tita Denden mo."

Tumagilid ang ulo niya at ngumuso. "Bakit po ikaw, Mama? Saan po pawents mo? 'Di po siwa punta?"

I smiled bitterly and pinched her cheek lightly. "Wala nang parents si Mama, baby. Kaya ang lolo at lola mo na lang ay parents nina Tita Eden at Papa mo."

Lalong humaba ang pagkakanguso niya bago niya tinapik-tapik ang balikat ko. "Wawa naman po Mama. Yaan mo po, dito naman Wuwu!"

Raghnall knocked in our room and told me that his family's expected time of arrival was 7 o'clock. Nakanganga lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya dahil tumutulo pa ang ilang butil ng tubig mula sa buhok niya pababa sa malapad niyang balikat... at pababa pa sa malapad niyang dibdib at tiyan.

Nag-e-exercise lang siya kapag sinipag o gusto. Mostly, tamad siya sa ganoong bagay kaya hindi na nakakapagtaka na wala siyang ma-muscle na braso o anim na pack ng abs sa tiyan. He didn't need those to look hunky or sexy. He was already sexy with that wide chest and flat stomach. WIth or without clothes.

Alright... the last one sounded... a bit smutty.

The bubble of thoughts popped when his cold hand caged my wrist and put it on his chest, making me feel how cold his skin was after he showered. My eyes lifted to his eyes reflecting mischief.

"Baka lang na-miss mong hawakan," aniya at ngumisi dahilan para sumilip ang kaniyang biloy.

"Bwiset ka!" Binawi ko ang kamay at hinampas siya sa braso. "Magbihis ka na nga roon! Lakas ng loob ipahawak 'yan, hindi naman matigas!"

Save to Heart (Student Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon