Kabanata 1

189 16 6
                                    

KAKAIBANG lamig ang yumayakap sa balat ko. Natural ang malamig na klima ngunit ang simoy ng hangin ay para bang naghahatid ng kakaibang ibig-sabihin—o siguro ay sa palagay ko lamang iyon. Halos hindi ko rin makita ang paligid dahil sa kapal ng fog.

Inapakan ko ang upos ng sigarilyo at pinagpagan ang sarili upang kahit papaano'y mabawasan ang amoy ng usok niyon na kumapit saakin.

Kanina pa ako naka tambay sa terrace ng apartment habang nakatulala. Hindi ako mapalagay, para bang may parte saakin na kinakabahan at hindi makampante.

Napahawak ako sa aking sintido at umiling upang balewalahin nalamang ang pakiramdam na iyon. Tumayo na ako upang bumalik sa loob, isa sa mga hindi mabuting nakasanayan ko ay ang manigarilyo sa tuwing malalim ang iniisip ko. Kung kaya't hangga't maari ay inilalayo ko ang sarili ko sa mga ganoong bagay.

Pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig ngunit hindi ko palang nalalagyan ng tubig ang baso ay nadulas iyon sa kamay ko at nabasag sa sahig. Napaatras pa ako dahil sa bubog, yuyuko na sana ako upang pulutin ang mga iyon nang mag ring ang cellphone ko.

Nagulat pa ako dahil sa biglaang pag tunog. Agad kong tinignan kung sino ang tumatawag, si Drianna. Doon ko lang rin napansin na may anim na pala siyang missed calls at mga text pa ng iba kong kaibigan na nagsasabing sumagot ako.

Kumunot pa ang noo ko ng mahagilap ang isang text na naglalaman ng malutong na mura na naka capslock ngunit binelewala ko iyon at sinagot ang tawag.

"Hello?"

[Bakit hindi ka sumasagot?! Hintayin mo ako sa harap  ng apartment mo, may nangyaring masama kay Jea!] Tugon ni Drianna sa kabilang linya na mukhang hapong-hapo. Narinig ko ang ilang beses niyang pag busina at tunog ng mga sasakyan sa labas, mukhang nagmamaneho siya.

"Ano?" Gulat kong tanong, bagaman naghatid iyon ng matinding kaba saakin ay nanatili akong kalmado.

"Drianna?!" Pinag taasan ko siya ng boses kahit hindi niya narinig dahil sa agapan niyang pagputol sa linya.

Ilang sandali pa ay natagpuan ko nalamang ang sarili kong nasa harap ng apartment, sakto rin ang pag dating ni Dria at pinapasok ako agad sa loob ng kaniyang kotse.

Mabilis ang pagmamaneho ni Dria hanggang sa makarating kami agad sa Cedar peak Condominium dito sa Baguio. Napakaraming tao ang nakiki-usyoso lalo na't nasa sentro ito ng lugar. May mga pulis, ambulansya at mga mediang  naguunahang pumasok sa eksena.

"Anong nangyari?"

"May natagpuan atang patay sa isang unit"

"Hindi pa ata patay?"

"Kilala ko 'yung babaeng 'yon, ah!"

"Oo, siya ba?! 'yung trending nung kailan?"

" 'Yung may scandal?"

Dinig ko ang kaliwa't-kanang kuro-kuro na lalo lamang nagbigay ng kaba saakin. Tinago ko ang pag kuyom ng kamao ko saaking bulsa habang nadaraanan ko ang mga taong kaniya-kaniyang labas ng cellphone para kuhanan ang nangyayari.

"Tumabi kayo! Huwag kayong humaharang sa daraanan!" Sigaw pa ng pulis habang ang iba ay inaawat ang mga media.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang buhat-buhat ng mga rescuers.

"Eve," dinig ko ang pangalan ko sa boses ni Drianna na nasa tabi ko pa rin, halata sa boses niya ang matinding pagka-bahala.

Umiwas agad ako ng tingin nang makita ang dugo. Sa dami ng mga bagay sa mundo ay ito ang pinaka kinakatakutan kong makita. Marami akong naalala kapag nakakatagpo ng ganitong sitwasyon, hindi ko kayang—hindi ko kakayaning magawa ko ulit ang mga pagkakamaling iyon.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now