KABANATA 17

39 4 0
                                    

NANGINGINIG ang mga kamay kong nababahiran ng dugo. Animo'y pinipiga sa sobrang sakit ang puso ko, naninikip.

Dinahan-dahan kong ginalaw ang aking mga daliri hanggang sa tuluyan kong maramdaman ang sarili ko na animo'y namanhid kanina.

Kusang bumagsak ang mga kamay ko sa malamig na tubig ng ilog nang mapag tanto ang lahat. Sa pagkakataong iyon ay bumagsak rin ng kusa ang luha ko.

Sinubukan kong sabunutan ang aking sarili, saktan ang sarili...nang sa gayon ay magising na ako sa bangungot na ito.

Hindi ito totoo!

Isa itong bangungot!

Masamang panaginip lamang...

NGUNIT HINDI.

"Eva!" Nanginginig ang mga labi kong nag angat ng tingin kay Don Matiao na kararating lamang.

Balisa ang kaniyang mukha, gulat, nangangamba, natatakot... Dahan-dahan niya akong binitawan at lumapit sa katawan ng dalawang lalaking nasa harap ko.

"Adan! Elias!" Sigaw niya at lumusong sa ilog upang hawakan ang katawan ng dalawa.

"Eva!" Tawag niya saakin ngunit nanatili lamang akong nakatitig sa mga dugo.

Sunod na dumating sila Aling Susan, Criselda at ate Eugenia, hindi na nila ako napansin dahil mas pinagtuunan nila si Adan at Elias.

"Anong nangyari?!" Halos atakihin sa puso si Aling Susan, si Criselda ay malapit nang umiyak dahil sa takot. Narinig ko ang hakbang ng mga lalaki na tumulong kay Don Matiao upang i-angat ang dalawang katawan.

Animo'y namamanhid ang mga tuhod ko, maging ang mga kamay ay patuloy na nanginginig. Kahit gaano kalamig ang simoy ng hangin ay tumutulo ang butil ng buo kong pawis habang dumadagundong sa kaba ang aking puso nang mapag tantong...wala si Anette at Diego.

"Eva!" Marahas na hinawakan ni Ate Eugenia ang kamay ko, matalim ang mga mata niyang nakatingin sa kamay ko na nababahiran ng dugo, gayundin ang pag lingon saakin ni Criselda.

Sa tingin palamang nila ay alam ko na ang kanilang nasa isip, ako ang aakusahan, ako ang sisisihin.

Marahas kong binawi ang kamay ko kay Ate Eugenia ngunit lalo itong dumiin sa pagkakahawak na animo'y babaon ang kaniyang kuko saakin.

Nag aalab ang mga mata kong yumuko sakaniya upang harapin ang kaniyang mukha, "Anong ginawa mo?" Mariin niyang tanong, matalim ang mga mata.

"N-Nasaan si Anette?" Tanong ko, pagbabalewala sa tanong niya.

Tumabingi ng kaunti ang kaniyang ulo, "Ikaw ay...k-kaniyang sinundan kanina" sagot niya.

Bahagyang lumuwag ang kaniyang pagkakahawak, kumabog ng malakas ang dibdib ko at pwersahang inalis ang kamay niya saakin.

"Eva!" Sigaw ni Ate Eugenia.

Agad akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako tutungo, nasa daan ang aking paningin ngunit lagi akong napapa pikit sa tuwing nakakakita ng dugo.

Hindi..

Hindi naman sana.

"Anette!" Sigaw kong tawag pagka bukas sa pintuan ng bahay nila Don Matiao.

Hinalughog ko ang buong bahay. Hinanap ko siya ngunit wala. Agad akong lumabas ng bahay at napa tingala sa bilog na buwan, nagkaka gulo rin sa labas dahil sa mga halimaw.

Pilit kong kinakalma ang aking sarili habang umiiwas ng tingin sa bawat pag talsik ng dugo saaking mga dinaraanan.

Naninikip ang puso kong huminto sa tapat ng pintuan nila Alonzo, binuksan ko ang pintuan at bumungad saakin ang kakaibang ihip ng hangin.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now