KABANATA 6

88 9 0
                                    

HINAWAKAN ako sa braso ni Adan. Hindi nanaman ako makagalaw. Samu't-saring mga ala-ala ang bumabalik sa isipan ko habang nakatitig sa sariwang dugo.

"Sariwa ang dugo. Kapapaslang lamang sakaniya" bulong ni Adan at pinagmasdan ang paligid.

Naramdaman kong hinawakan ni Adan ang balikat ko at iniharap sakaniya, para bang nababasa niya ang aking  reaksyon sa nakita.

"Adan"

Kapwa kami nagulat at halos mapatalon pa ang balikat ni Adan sa kaba nang may humawak sakaniyang balikat.

"D-Diego" nakahinga kami ng maluwag nang makitang siya.

Napatingin si Diego sa bangkay na nasa harap namin. Matangkad si Diego, mestizo ang itsura, kulay dark brown ang buhok ngunit mas lamang pa rin sa kisig ng pangangatawan si Adan.

"Umuwi na tayo, delikado rito" sabi niya at tumingin kay Adan saka bumaling ng tingin saakin at bumaba ang paningin sa kamay ni Adan na nakahawak sa braso ko.

Agad kong winaglit ang kamay niya at naunang lumalakad ng mabilis.

"Ang bilis mo pala" rinig kong sabi ni Diego mula saaking likuran. Ang tono ng kaniyang boses ay may bahid ng pang aasar.

Sandali akong napahinto sa pag a-akalang ako ang tinutukoy niya ngunit nang mag salita si Adan ay naglakad ulit ako ng mas mabagal.

"Hindi, ah. Sinamahan ko lang siya" sumbat naman ni Adan.

"Weh?" Rinig kong pang aasar ni Diego. "Sa bilihan ng sigarilyo? Seryoso ka? Ikaw lang naman naninigarilyo dito—"

"Siya 'yung naninigarilyo!"

"Nakakatawa ka. Sinungaling!"

"Eh ikaw, ba't ka sumunod?!" Mayabang na tanong ni Adan.

"Hinanap ko kayo. Nasa patahian sila Don Matiao. Dumating rin si Elias"

"DUMATING SI ELIAS?!"

Lumingon ako sakanila ng seryoso. "Nasaan sila Don Matiao?" Tanong ko.

"Nasa patahian, binibini" tugon ni Diego. "Tumungo ka na rin roon" sabi niya pa at naglakad papunta sa tabi ko, lumapit siya ng bahagya saakin habang tumatawa.

"Kaya nga, tara na!" singit ni Adan at pumagitna saamin at tinulak pa ng bahagya si Diego palayo. Sinamaan niya ito ng tingin habang ang isa naman ay patawa-tawa lang.

"Siya nga pala si Eva" pagpapakilala saakin ni Adan.

"Binibining Eva" pagtutuwid ni Diego at pinaningkitan ng mata si Adan.

"Hindi naman iyon malaking bagay kay Eva, 'di ba?" Tanong niya saakin.

" 'Yung alin?" Tanong ko rin.

" Iyong pag tawag ko sa'yo ng Eva lang, binibini daw?" sambit niya.

"Ewan ko" walang gana kong tugon.

"Oh, ' di ba?!" Pagmamalaki naman ni Adan.

"Anong?— wala siyang sinabing oo!" Giit naman ni Diego.

"Nasa pagitan lang ng ewan at hindi ang sagot niya, malamang ay oo ang kaniyang tugon!" Bwelta ni Adan.

"Ang layo ng ewan sa oo! Ang ewan ay hindi sigurado!" Binatukan ni Diego si Adan.

"Syempre kay Eva hindi ganoon 'yon!"

"Bakit? Gaano mo ba siya katagal kilala?!"

"Mahigit isang araw! Tsaka wala naman iyon sa araw! Ilang oras ko kaya siya inobserbahan!"

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now