KABANATA 12

39 7 1
                                    

HALOS lumabas sa kinalalagyan ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Gulat akong umupo habang pinag papawisan at nanginginig ang mga kamay.

Natulala ako sa madilim na silid habang unti-unting naaalala ang panaginip ko.

"H-Hindi..." sambit ko at agad tumayo. Bagaman nanginginig ang tuhod ko sa takot at wala akong makita sa madilim kong kwarto ay pinilit kong lumabas.

"A-Alonzo," nanginginig maging ang boses ko, kinuha ko ang lampara sa lamesa at dali-daling lumakad palabas ngunit may humawak sa braso ko.

"Ate," saad ni Anette na nag mula sa direksyon ng banyo. Pinag sawalang bahala ko siya at patuloy na lumakad.

"Ate!" Habol saakin ni Anette ngunit hindi ko siya pinansin.

Kinakabahan at nananinikip ang dibdib ko, halo-halong mga senaryo ang pumapasok sa isip ko. Pinikit ko ang aking mata at umiling ng ilang beses habang lakad takbong lumabas ng bahay.

"Ate Eva!"

Patuloy lamang ako sa mabilis na pag lakad patungo sa bahay nila Adan bagaman tahimik at madilim na ang paligid.

Ngunit sa bilis ko ay hindi ko namalayan ang malaking bato sa daan na siyang dahilan para madapa ako at tumama ang kamay sa matulis na bagay, tumapis rin ang lamparang hawak ko.

Nangangatog akong napa-upo, hindi alam ang dapat gawin.

"Ate!" Bumungad sa harap ko si Anette at tinapat saakin ang lampara dahilan para maaninag ko ang pulang likido na pumatak saaking palad.

Agad akong pumikit, tuluyan nang tumulo ang luha ko. Kasabay niyon ay ang animo'y mabilis na pag daan ng mga ala-ala ko sa nakaraan, ang mga dugo...kutsilyo...kadililiman...

"Alonzo!" Agad akong tumayo sa takot at pag a-alala.

Halos hindi na ako maka hinga sa sobrang sikip ng dibdib ko, hindi ko alam ang gagawin. May parte saakin na gusto manakit, parte na may gustong makita, mga bagay na pumapasok sa isipan kong alam kong hindi maganda at hindi dapat.

Kailangan ko siyang makita. Dapat ko siyang makita. Kailangan kong masiguro na walang masamang nangyayari.

"Alonzo!" Sigaw ko nang makarating sakanilang bahay.

"Ate Eva! Alas tres na ng madaling araw!" Hinawakan ako ni Anette sa braso ngunit tinulak ko siya ng bahagya.

"Alonzo!" Sigaw ko kasabay ng sunod-sunod na pag tulo ng luha ko habang kumakatok sakanilang pintuan.

Muli akong hinila ni Anette, "Bitawan mo-"

"Eva," natigilan ako nang bumungad sa harapan ko si Diego.

"Eva!" Nang makita ko si Alonzo na tumatakbo palabas ay tuluyan na akong humagulgol.

"Eva, bakit?!" Tanong ni Alonzo at agad akong yinakap, hindi ako nag salita at yinakap siya pabalik ng mahigpit habang patuloy lamang na umiiyak.

Hinagod ni Alonzo ang likuran ko at pinunasan ang aking luha gamit ang kaniyang hinlalaki.

"Tahan na," marahan niyang sambit ngunit sa halip ay lalong tumulo ng kusa ang aking mga luha.








Pina inom ako ng tsaa ni ate Eugenia, alas siete na nang umaga ngunit tulala pa rin ako mag mula kanina. Nasa tabi ko si Adan, pinipisil niya ang kamay ko at kung minsan ay hinahaplos niya ang aking buhok habang naka higa ako sa dibdib niya.

"Eva, kung ano mang napanaginipan mo hija...kalimutan mo na, isa lang 'yong bangungot. Hindi iyon totoo," malumay na sambit ni Ate Eugenia.

Lumunok ako at dahan-dahan siyang tinignan. Ngayon na ako nakaramdam ng hiya dahil ang aga nilang nabulabog.

HEARTLESS SERIES: EvielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon