KABANATA 2

110 14 4
                                    

"HIJA! tumabi ka sa daraanan!" Sigaw ng matandang kutsero na agad linihis ang direksyon sa takot na mabunggo ako ng pinapatakbong kalesa.

Agad akong umatras at gumilid ng gumilid hanggang sa may mabunggo ako saaking likuran. "Sorry" sabi ko at gumilid ulit.

"Paumanhin" ulit ko nang marealize kung nasaan ako ngayon. Nakatitig lang saakin ang dalawang ale na may bitbit na mga bilao na malamang ay paninda nila

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang dami ng matang nakatingin saakin. Doon ko napagtanto kung ano ang kanilang tinititigan. Ang buhok kong may highlights na kulay pula. "Naku hija, hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ganiyang buhok ngunit nasisiguro akong pagkakamalan ka nilang engkanto sa ganiyan" sambit ng isang ale na bahagyang lumapit saakin at inalok ako ng paninda niyang balabal. "Limang piso lamang, hija" alok ng ale.

Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya na pagkakamalan akong engkanto o part 'yon ng business marketing nila para maka benta ng balabal ngunit nang tignan ko ang mga tao sa paligid ko ay nakatitig rin sila sa buhok ko.

"Paano kung isa nga talaga siyang engkanto?"

Rinig kong bulong ng ale na katabi niya ngunit sinamaan niya lang ito ng tingin na para bang pinapalayo sakaniya ang isang customer.

"Maging ang suot niya'y kakaiba" dagdag niya pa.

Napatingin ako sa sarili kong suot. Black cargo pants na may white lining, black long sleeve na croptop, at dwarf boots na black rin.

"Sige, eto po bayad" kumapa ako ng barya sa bulsa ko at nakakuha ng limang tigpipiso. Binigay ko ang 5 pesos na may mukha ni Dr. Jose Rizal sa manang ngunit tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa saka binalingan ang piso.

"Bagong labas na salapi ba ito, binibini?" Tanong niya saakin. "Tila pamilyar pa ang mukhang naka-ukit," usisa niya pa dahilan upang dali-dali ko iyong bawiin!

Ang tanga, Eve.

"Pasensya na," Napahinga ako ng malalim.

"Hindi iyon salapi. Uh, wala ho akong pera ngunit may alahas ho ako" sambit ko.

Nag ning-ning ang mata ng ale at pinagpili ako ng kulay, agad kong kinuha ang kulay itim ngunit napatitig lang sila saakin na para bang sinasabing mukhang mangkukulam ako dahil  pula na nga lang ang buhok ko,  itim pa ang pinili kong kulay.

Napapikit ako sa inis at pinili ang puting balabal. Inalis ko ang piercing ko sa tainga, mukhang malaking tulong ang marami kong piercing bilang pambayad sa panahong ito.

Muli ko nanamang naramdaman ang titig nila saakin dahil sa tainga kong maraming hikaw, sanay naman na akong tignan nang ganyan.

Nang mabayaran ko iyon ay umatras ako muli, linilibot ko ang mata ko sa paligid upang hanapin ang presensya ng mga kaibigan ko ngunit nasandalan ko ang isang pintuan na siyang dahilan para tumunog ang mga door chimes sa muntik nitong pagka-bukas.

Napalingon ako roon at nakita sa loob ang maraming libro.

Librería de Don Mataio.

Sumilip lamang ako roon at nag balik ng tingin sa Calle. Ilang sandali pa ay para akong mabuhusan ng malamig na tubig nang muli kong maalala ang nangyari kanina!

Nasaan ba sila Quince? Bakit ni isa sakanila ay hindi ko makita?

Naglakad ako at pinag masdan ng maiigi ang pigid.

Legit ba 'to?

Hindi ko inakalang may tunay palang time machine. Sa pagkakaalam ko'y iisang tao palang na isang Russian  ang nagawang mag time travel ng .02 seconds  from present to future. Imposibleng-imposible ang pag t-time travel sa past.

HEARTLESS SERIES: EvielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon