KABANATA 22

46 5 0
                                    

Cavite, Pilipinas 1878

"Señorito?" Katok ng mayor doma sa pintuan ng silid.

Agad sinara ni Elias ang librong binabasa na akda ng paborito niyang manunulat, isa iyong piksyonal na kwentong may kinalaman sa Agham. Ang may akda ng kwentong iyon ay isang doktor mula sa bansang Inglatera, doon matagal na nagturo ang ama ni Elias kung kaya't maging siya ay marunong umintindi ng wikang Ingles.

Madaling napalitan ni Elias ang librong binabasa ng aklat na patungkol sa bansa, pulitika, batas, at negosyo.

Nang pumasok ang mayor doma ay napangiti ito dahil sa sipag at talinong natuklasan sa walong taong gulang na si Elias.

"Ika'y tapos na bang mag aral, Elias? Ipinapatawag ka ng iyong ama" magiliw na sambit ng mayor doma.

Dahan-dahang sinara ni Elias ang aklat at ngumiti sa mayor doma. "Maraming Salamat ho, ako'y susunod sa baba" magiliw at magalang niyang sambit.

Nang maka alis ang mayor doma ay agad kinuha ni Elias ang papel na naka ipit sa isang libro, talaan iyon ng mga importanteng talakayin sakaniyang mga pinag aaralan. Mabilis niya iyong binasa at sinaulo isa-isa.

Paglabas ng silid ay naglabas siya ng malalim na buntong hininga. Naabutan niya ang kaniyang ama sa sala, naka upo sa magarbong silya kasama ang kaniyang mga amigo.

"Magandang tanghali ho," nag bigay galang si Elias sa harap ng tatlong Don at sa harap ng kaniyang ama.

"Oh, magandang tanghali, iho!" Malugod na bati ng isang Don na may hawak na kupitanh may kaunting laman nalamang ng alak.

Humalakhak ang mga Don at pinuri ang batang Elias dahil sa angkin nitong kagwapuhan at pagiging magalang.

"Maliit na bagay mga amigo, ang aking anak ay palaging nagagawaran ng mga patimpalak dahil sakaniyang husay at talino" bida ni Don Ernesto, ang ama ni Elias.

Ngumiti si Elias at tinago ang kamay sa likuran, nagdadasal siyang matapos na agad ang usapin ng mga Don tungkol sa pagmamalaki at pagmamataas ng kanilang mga anak. Hindi siya kumportabe sa ganoong bagay.

"Kung talaga nga ba? Iyong ipakita naman saamin ang iyong husay sa pag kabisado, Elias!" Kantiyaw ng Don.

Napalunok si Elias ng makita ang ngiti ng kaniyang ama na animo'y kumbinsidong kayang-kaya niya ang lahat.

Sinimulamg bigkasin ni Elias ang mga batas at artikulo na siyang hinangaan ng mga Don. Lalong umabot sa tainga ang ngiti ni Don Ernesto at lalong pinag malaki ang anak.

Naka hinga naman ng maluwag si Elias at napa ngiti dahil hindi niya nabigo ang kaniyang ama.

"Napaka husay mo talaga, anak!" Ngiti ni Donya Epaña, ang ina ni Elias. Tuwang-tuwa ang ina ng ikwento ni Elias kung paano bumilib ang mga kaibigan ng kaniyang ama.

Lalong sumaya ang puso ni Elias dahil sa mga papuri ng ina. Tinutulungan niya itong mag ayos ng hapag kainan sa hapunan. Ilang sandali pa'y dumating na si Don Ernesto na humahalakhak.

Hinimas ng Don ang buhok ni Elias habang naka ngiti, "Kung kaya't marapat mo pang galingan, maliwanag?" Sambit mg Don.

Nangunot ang noo ni Elias, "Hindi pa ho ba sapat ang galing ko, ama?" Inosente niyang tanong habang naka nguso.

Batid ng lahat na lagi siyang nauuna sa pag aaral, hindi niya tuloy maintindihan kung bakit parang kulang pa rin iyon sakaniyang ama.

"Kaya nga naman, Ernesto" umiling-iling ang Donya.

"Kayo....Hindi niyo kasi naiintindindihan. Balang araw ay mapagtatanto mo kung gaano ka-importante ang pagiging angat sa lahat! Kailangan mong maging mahusay sa lahat upang igalang at irespeto ka nila" paliwanag ng ama.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now