KABANATA 4

79 10 0
                                    


"EVA, napakaganda ng iyong pangalan, hija" puri ni Don Matiao.

"Ate, huwag niyo ho sanang masamain ngunit saan mo nakuha ang ganiyang buhok?" Tanong ni Anette.

"Ikaw talagang bata ka, bakit ba lagi ka nalamang may napapansin? Naku, Eva, pagpasensiyahan mo na si Anette" suway naman ni Eugenia.

"O-okay lang...ho. Uhm, kinulayan ko ang buhok ko. May nabibiling pangkulay ng buhok sa ibang bansa" palusot ko.

"Nakapunta ka na ho sa ibang bansa?" Tanong muli ni Anette, tumango ako at ngumiti ng tipid kahit pa hindi naman talaga.

"Para saan pala ito, Eugenia?" Tanong ni Don Matiao, tinutukoy niya 'yung palangganang umuusok.

"Ang usok niyan ay may halong Eucalipto (Eucalyptus) upang maging sariwa ang hangin sa loob ng silid at mapreskuhan si Eva" paliwanag niya. "Siya nga pala Anette, iyong tignan ang pinapa kuluan kong para sa tsaa" agad sumunod si Anette sa utos ng ina.

"Ikaw ba'y may kailangan pa hija? Alas Dies ng umaga ngayon, kaya mo bang tumayo? Hinihintay ka naming gumising bago mag almusal" saad ni Don Matiao.

"Kaya ko hong tumayo" sagot ko.

"Sa tingin ko'y marapat muna natin siyang iwan, ama. Ginamot ko lamang ang sugat mo ngunit hindi ako nangahas na bihisan ka" naglakad saakin si Eugenia at inabot ang kulay crema na baro't-saya.

"Salamat"wika ko.

"Tawagin mo nalamang ako saaking pangalan. Hindi sa ika'y aking pinapangunahan ngunit hindi ko ibig na tinatawag akong manang, ate, o ale" sambit niya na may halong biro at pag tawa.

Tumawa ako ng pilit para makisama, "Salamat, Eugenia" bigkas ko at kinuha ang baro at saya. Ngumiti siya, "Iyan ang gusto ko, madaling kausap" aniya bago magpaalam at lumabas ng kuwarto.

Agad akong bumaba sa kama, hindi alintana ang malalim na sugat sa binti. Matagal na panahon na rin mula nang magkaroon ako ng sugat. Napatingin ako sa peklat ng palapulsuhan ko, iyon ang huling sugat ko bago ko makilala ang mga kaibigan ko—

Sila Drianna! Nasaan na sila? Hindi ko pa sila nahahanap. Ni bakas ng sapatos o maging anino nila ay 'di ko man lang mahagilap.

Naalala ko ang nangyari kagabi.

Paano nalamang kung nakain na pala sila ng mga aswang? 

Natawa ako.

Seryoso? Totoo talaga ang mga nilalang na iyon? Hindi ko suka't akalaing nag eexist pala sila.

Tuyong dugo at dumi ang bumabalot sa bestidang suot ko, kadiri.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip habang nag susuot ng baro at saya. Puta, ni bestidang manipis nga hindi ako maka kilos ng maayos ito pa kayang ang kapal kapal?

Naglakad ako papunta sa aparador para icheck ang gamit ko. Mga damit at iyong cellphone. Mabuti nalang at hindi ito pinakialaman, siguradong magtataka sila sa gantong uri ng bagay.

Ibabalik ko na sana ulit iyong cellphone sa bag ko pero nahagip ng paningin ko ang picture na naka paloob sa jelly case.

Picture naming walo. Ako, si Jea, Quince, Selina, Zaraniah, Drianna, Anica at Ophelia. Ang saya namin sa litratong ito, parang wala kaming problema. Nasa dagat kami sa group picture,  naka wacky at naka ngiti silang lahat habang ako ay naka simangot dahil pinilit nila akong mag bikini at pinagtripan, naka akbay saakin si Dria habang si Zaraniah naman ay may sariling pose sa kaliwang gawi ko.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Napahinga ako ng malalim at napa-kagat sa pang ibabang labi ko bago alisin ang picture na iyon at muling ibalik ng baliktad. Itinago ko sa pagitan ng mga damit ang phone at inayos iyon ng mabuti  bago mag tungo sa labas.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now