KABANATA 5

86 8 4
                                    


"PAUMANHIN ngunit nagkita na ba tayo, binibini? Tila ika'y pamilyar" tanong niya dahilan para mapatingin rin saakin ang mga kasama niya.

Napatitig ako ng malalim sa mata niya, maging ang boses niya ay pamilyar. Kung hindi ako nagkakamali....

Ang mata at boses niya'y kapareho ng lalaking tumulong saakin kagabi.

Tumikhim ako. "H-hindi" sagot ko. "Hindi kita kilala" sambit ko pa, "Maari na ba akong dumaan?" Tanong ko rin dahilan para gumilid silang tuluyan.

"Adan! Diego! Jusko, panginoon! Mabuti naman at walang nangyaring masama sainyo!" Napa sunod ang tingin ko sa babaeng may katandaan na.

Siya iyong ale sa bilihan ng damit na siyang nagbigay saakin ng pitong bestida.

Base sa obserbasyon ko ay anak niya ang tatlong iyon, narinig ko rin kanina na birthday pala nong babae na Criselda ang pangalan.

Swerte niya dahil may regalo siyang hikaw na binili ko ng limang libo pero pinalit ko lang sa pitong bestida na tig bebente lang naman ang halaga sa mga kapareho nito sa ukay-ukay.

Nagboluntaryo kasi akong mamalengke. Abala kasi sila Eugenia sa pag ayos ng bookshop ni Don Matiao. May dala akong limampung piso.

Napahinto ako sa kalsada at napaisip kung paano ako makakapunta sa palengke gayong hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito.

Mabuti nalang dahil natanaw ko ang kalesang papapunta sa gawi ko. Paano ba ako sasakay rito? Mag papara ba ako, parang jeep lang?

"Oho ako ng bahala!" Narinig kong sigaw ni Adan sa nanay niya, patungo rin siya sa direksyon ko.

Huminga ako ng malalim at pinara ang kalesa ngunit nagulat ako nang pumara rin si Adan sa kabilang kalsada. Napatingin siya saakin at binaba niya ang kamay niya saka ngumiti at muling tinaas iuon upang i-wave ang kamay saakin.

Nangunot lang ang noo ko at naglakad patungo sa kalesa dahil mukhang wala naman siyang balak na sumakay.

"Sabay na tayo, binibini" nagulat ako nang tumama ang mainit niyang hininga sa batok ko habang naka apak ang paa ko papasok sa kalesa. Napaka bilis niya namang mag teleport.

Nauna na akong sumakay sa kalesa at umupo, gayon rin siya na nasa tabi ko. Naka suot siya ng puting kamiseta at itim na pantalon. Infairness, hindi na siya mukhang mabaho sa unang suot niya kaninana na may dugo-dugo pang stain sa damit.

"Magandang umaga, saan kayo?" Tanong ng kutsero.

"Saan ka ba, binibini?" Tanong ni Adan.

"Palengke ho" sumbat ko.

"Palengke rin ho ako" sabi niya rin at nginitian ako. Gusto ko siyang irapan dahil sa pangiti-ngiti niya kahit 'di naman kami close.

"Ako na ang magbabayad" boluntaryo niya ng ilabas ko ang pera ko.

Napatingin lang ako sakaniya ng iritable at sinandal ang likod ko. Binaling ko nalamang ang antensyon ko sa dinaraanan. Halos lahat ay pare-pareho ng sitwasyon, mga kalsadang duguan at nag si kalat na mga bagay-bagay sa paligid.

"Bibilhan ko kasi ng handa si Criselda, iyong kapatid kong babae na kasama ko kanina. Kaarawan niya kasi, narinig mo ba?" Tanong niya, para bang close na close kami sa paraan ng pakikipag usap niya.

Hindi ko siya pinansin at kunwaring walang narinig habang nakatuon ang atensyon sa labas.

Ano akala niya saakin, Chismosa?

Well, oo, narinig ko mga 'yon dahil s alakas ng bunganga nila ay maririnig ko kahit takpan ko pa ang tenga ko.

"Huwag kang tumingin sa labas, nakakatakot kaya. Muntikan na akong mapaslang ng mga halimaw kagabi!" Pag kwento niya at umaktong takot na takot.

HEARTLESS SERIES: EvielleWhere stories live. Discover now