KABANATA 9

64 7 2
                                    

"EVA," napakurap ako at natauhan dahil sa boses ni Alonzo. Hanggang sa pag pasok ni Elias sa loob ng bahay ay sinundan ng mata ko.

Tumingin ako kay Alonzo, naka simangot siya at kunot ang noo. Kinunutan ko rin siya ng noo at akmang kukunin ang mga damit sakaniya ngunit iniwas niya iyon saakin.

"Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong niya, seryoso ang boses.

"Ba't ko sasabihin sa'yo?" Pambabasag ko sakaniya sabay lakad. Hindi siya sumunod saakin kaya bumalik ako at hinila siya sa braso.

"Ihahatid mo ba ako? Kung hindi akin na 'yang damit" iritado kong sabi. Napa kamot siya sakaniyang ulo at binawi ang braso niya sabay lakad ng deretcho na hindi man lang ako kinibo.

"Salamat" wika ko sabay kuha ng mga damit, tahimik niya lang iyon binigay at nag bigay galang tanda na aalis na siya.

"EVA"

Hindi ko inaasahan ang biglang pagsulpot ni Elias saaking harapan. "Bakit?" Tanong ko ngunit wala akong nakuhang tugon.

Nakatitig lamang siya saakin. Humaba na rin ang buhok niya natumatama sa kaniyang kilay. Ilang segundo pa bago siya mag salita kung hindi ko lamang siya pinagtaasan ng kilay.

"Aalis na ako," sambit niya na lalong nagpa-arko sa kilay ko. "Ibig kong sabihin ay patapos na ang aking bakasyon" paglilinaw niya ngunit nanatili akong nagtataka.

"Safe trip?" Alanganin kong tugon.

"Nakakaintindi ako ng Ingles," pinaningkitan niya ako ng mata.

Pakla ang tumawa, "Tangina, ano gusto mo? Goodbye kiss?" Sarkastiko kong sambit, bahagya pa akong umirap dahil sa inis.

Mainit ang ulo ko ngayon. Sino ba naman ang hindi? Dalawang araw ko nang hindi naaabutan si Adan sa tuwin pumupunta ako sakanila. Kahapon ay nakasalubong ko siya pa-uwi pero parang wala siya nakita.

"Kiss? Maaari ba?"

Hindi ko alam kung nang-ga-gago 'tong kaharap ko o ano, eh. Sa maamo niyang mukha ay para siyang inosente ngunit alam kong naiintindihan niya ang English kaya masasabi kong nang a-asar lang siya ngayon.

"Tumabi ka nga diyan,", inis kong sabi at gusto siya itulak sa kanal.

"Nasaan ang Goodbye kiss ko?" Seryoso niyang habol at hinarangan ang daan ko.

"Sapak, gusto mo?" Tanong ko sakaniya dahilan upang humalakhak siya.

"Mainit ba ang iyong ulo dahil kay Adan?" Bigla niyang tanong kaya lalong magsalubong ang kilay ko.

Dahil nga ba kay Alonzo?

"S-Sinasabi mo diyan?" tanong ko ngunit nanatili lang siyang naka ngiti saakin.

Inayos niya ang salamin at umiling saakin. Nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha saakin! Sa sobrang gulat ay napaatras ako at nauntog pa ang aking likuran sa pader.

"A-Anong-" napapikit ako nang mariin nang mas ilapit niya ang kaniyang mukha at magdikit ang aming ilong.

Ngunit napamulat ako nang marinig ang boses ni Adan na minura si Elias at hinawakan ito sa kwelyo. Kitang-kita ko ang madilim na titig ni Alonzo kay Elias habang naka-tiim baga. Bagman nang gigigil siya ay nakikita kong nagi-ingat siyang masaktan si Elias sakaniyang pagkakahawak.

Tatawa-tawa naman si Elias at tinapik ang kamay ni Alonzo, "Sinabi ko naman sa'yo, hindi ba?" Panimula niya. "Uunahan kita kung hindi ka kikilos," dagdag niya sabay ngisi dahilan para unti-unti siyang bitawan ni Alonzo.

"Salamat sa goodbye kiss, Eva" pang-aasar pa ni Elias kay Adan bago kami layasan.

Sinuklay ni Alonzo ang kaniyang buhok patalikod bago humarap saakin na ngayon ay bumalik na sa pagiging maamo ang mukha.

HEARTLESS SERIES: EvielleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon